Leslie
Ann D. Galiya
BSE
T. L. E - IB
Tunay na Kaibigan Nga Bang Maituturing?
Sa mundo na
punung – puno ng mga taong may iba’t ibang kaisipan, paniniwala, at ugali, mahirap
makahanap ng mga taong magiging kapalagayang- loob natin. Pero akala ng iba nakasama mo langng
ilang araw, tunay na kaibigan na kaagad. Kapag pareho kayo ng trip at mga
gustong puntahan, akala mo tapat na kaibigan na. May mga nakapagsabi sa akin na
wala ka naman ibang maaasahan sa mundong ito kundi ang iyong sarili lamang.
Para sa akin, totoo naman talaga iyon. Kaya lang kung ikaw ang tatanungin,
masasabi mo ba na masayang mabuhay sa mundo kung ang tanging iniikutan lamang
ng daigdig mo ay ang pamilya at sarili mo lang? Bakit pa nagkaroon ng kantang
“Kung Kailangan Mo Ako” na inawit ni Rey Valera? Ayon sa kanta niya.
Mayrong lungkot sa yong mga mata
At kay bigat ng yong dinadala
Kahit di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin
Mayrong lungkot sa yong mga mata
At kay bigat ng yong dinadala
Kahit di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin
Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo
At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako
Sa awitin niyang ito, kailangan mo ng kaibigan upang ikaw ay damayan sa kabila
ng suliranin mo sa buhay.
High School days. Ito ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko at ng kapwa ko
estudyanteng nagdaan sa apat na taong ito. Unang araw ng klase kaya’t medyo
nagkakahiyaan pa.Sa apat na sulok ng kuwarto maririnig ang ingay ng mga
estudyante na halatang sabik makilala ang isa’t isa. Mga bandang alas syete na
ng umaga nang dumating ang titser at naabutang nagbabatuhan ng papel ang mga
kalalakihan sa likod na mukhang mga “Dota Boys.” Kanina pa kase sila nag -
uusap tungkol sa dota na tila ba sila lang ang nagkakaunawaan kaya naman,
madali lang silang nagkasundo. Nagpakilala na ang aming titser at inutusan
kaming humanap ng kapartner para naman makilala namin ang isa’t isa. Nasa
ikalawang hanay ang aking upuan samantalang, ang naging kapartner ko ay nakaupo
sa unang hanay. Sabi niya, kaming dalawa na lang daw ang maging magkapareha
kaya naman pumayag na ko. Naalala ko nga pala, siya yung kaklase kong babae na
kanina pa sagot ng sagot sa tinatanong ng titser namin. Pati pagsasalita niya
ng Ingles para bang inaartihan niya.
Doon kami malapit sa may bintana pumuwesto. Una siyang nagpakilala.“Ang name ko
Alyssa, how about you?” sabi niya. Pagkatapos, binanggit ko din ang buong
pangalan ko. Pareho kami ng edad at hindi nagkakalayo ang buwan ng aming
kapanganakan. Nais daw niyang bumuo ng grupo kung saan magiging matatalik
kaming magkakaibigan. Sinakyan ko lang ang trip niya at nagpakita lang ako ng
pagsang - ayon sa mga sinabi niya.
Kinabukasan, oras na naman ng klase. Sayang at hindi kami naging magkatabi ng
kaibigan ko. Pero ayos lang, kasi kaibigan ko rin naman ang aking katabi sa
upuan. Si Alyssa ay tulad pa din ng kahapon na aktibo sa klase, at inaartihan
ang pagsasalita ng Ingles. Pero wala namang kaso sa akin kung ganoon siya.
Dumating na ang oras ng pananghalian, magkasama na naman kami at pareho pa kami
ng biniling pagkain. Marami kaming napagkwentuhan partikular na ang problema
niya sa pamilya. Hindi ko siya itinuring na barkada sapagkat ang barkada ay
kasama lang naman natin sa mga lakaran, pasyalan, o kasiyahan. Katulad ng mga
kaklase kong nag uusap tungkol sa pagpasyal nila sa isang lugar.
“Rey sasama ka ba kina Ann?Naghihintay sina Angelo at Rachel.” Ang sabi ni
Joey.
“Marami kasi akong tatapusing report, pero kung kasama ka, pwede rin akong
sumama.” Sagot naman ni Rey.
“Sa Grotto Vista ang punta natin, kina Ann tayo magkikita – kita. Ang sarap sa
Grotto. Anim ang swimming pool at maraming slides. Tara na.”
“Oo na nga. Magpupuyat na lang ako mamayang gabi. Kasama ka lang kaya sasama
ako. Di naman tayo magtatagal diba?kaya hindi na lang ako magpapaalam.” Ang
pagsang - ayon naman ni Joey.
Sa kanilang pag uusap na ito, hindi ko masasabing tunay silang magkakaibigan
sapagkat ang nais lamang nila ay magliwaliw at mga lakarang gaya niyon. Sa
ginagawa nila, maaring humantong lamang sa kapahamakan ang kanilang lakad
sapagkat hindi man lamang sila nagpaalam sa kanilang mga magulang. Mas nais
nila ang kasayahang gaya nito kaysa ang pag uudyok sa bawat isa na mag - aral.
Dumaan pa ang mga araw at sa kabila ng aming magandang samahan ni Alyssa,
nagbago ang lahat nang dahil lang sa isang pangyayari. Isa si Alyssa sa
naatasang maglinis sa kwartong aming ginagamit upang mag – aral.. Nagkataon
naman na nagmamadali ako ng araw na iyon sapagkat may mahalaga pa akong
pupuntahan. Nagpaalam akong mauuna na kasama ng iba pa naming kaibigan. Tumango
lamang siya at sa pag - aakala ko na ang kanyang pagsang – ayon ay isang hudyat
na maaari na akong umalis, ngumiti ako sa kanya kasabay ng mabilis na paglakad
papalayo. Simula noon, hindi na kami tulad ng dati na palaging magkasama. Tila
ba lumamig ang kanyang pakikitungo sa akin. Nag - uusap na lamang kami kapag
may itatanong o kung may kinalaman sa aming pag aaral. Hindi ko na siya
tinanong kung ano ang dahilan ng hindi niya pagpansin sa akin. Inisip ko na
lang na sensitibo siya sa mga ganoong bagay. Kapag aking binabalikan ang
pangyayaring iyon, iniisip ko na wala naman akong ginawang mali sapagkat
nagpaalam naman ako sa kanya. Ayoko na ding isipin na muli pa naming maibabalik
ang dati sapagkat kung sa isang simpleng bagay katulad ng nangyari paano pa
kaya kapag sinubok kami ng panahon. Hindi rin magtatagal ang aming
pagkakaibigan. Para bang isang sugat na hindi na kailanman maghihilom nang
dahil lang sa isang payak na pangyayari ang pinag – ugatan. Doon ko napagtanto
na ang tunay na kaibigan pala ay nakikilala sa sandaling sinubok na ng
pagkakataon ang tatag ng pagsasama. Hindi ba ang kaibigan handa tayong unawain sa ating pagkukulang
at laging may panahon sa pakikinig sa ating mga hinanakit na di kayang
maipahayag sa iba? Hindi na muling nabuksan pa ang pangyayaring iyon at tuluyan
na kaming hindi nagkabati.
Natapos na naman ang unang taon sa high school. Dumating na ang ikalawang taon
at hindi na kami naging magkaklase. Sa aking naging karanasan noon, dapat ay
maging mapili na ako sa kaibigan. Mga kaibigang handa kang pakinggan sa iyong
hinaing at hindi ka iiwan sa mga oras na kailangan mo ng masasandalan. Sa
ikalawang pagkakataon, hindi na ako nagkamali sa pagpili sa magiging tunay kong
kaibigan. Hindi lang isa kundi anim na kaibigang handang tumulong at magbigay
ng payo. Sa katunayan, hanggang ngayon kahit na magkaiba na kami ng eskwela,
may komunikasyon pa din kami sa bawat isa. Kapag may problema ang isa sa amin,
handa kaming umalalay at magpagaan ng loob sa abot ng aming makakaya. Kahit
gaano pa kaabala ang bawat isa sa amin, may oras pa din kami upang
makapagkwentuhan. Naalala ko ang mga panahon na kaming magkakaibigan ay
nagkaroon ng honor sa klase, ngunit isa sa amin ay hindi nakasama. Pero kahit
ganoon, natuwa pa rin siya para sa amin at sinuportahan pa din niya kami. Tunay
nga na sa bawat kaligayahang ating nadarama, masaya sila para sa atin. Walang
anumang inggit at diskriminasyong namamayani kung kaya’t madalas kaming
nagkakasundo. Minsan, kapag hindi bagay ang suot kong damit, sinasabi nila ito
sa akin sa paraang hindi ako magagalit at mapapahiya. Yung tipong hindi nila
sinasabi sa harap ng maraming tao. Isa yan sa palatandaan ng mga tapat na
kaibigan. Sila ang makapagsasabi sa atin nang tahasan ng mga bagay na di kayang
ipagtapat ng iba kahit pa makasakit ito ng ating damdamin sapagkat ang layunin
nila’y hindi upang hamakin ang ating pagkatao o ipamukha sa atin ang ating
kahinaan. Sa halip, gusto lamang nilang mapaunlad ang ating kahinaan at
mabago ang di magandang pag uugali. Hangarin nilang maituwid ang ating landas
na tinatahak sapagkat ang ating kapahamakan ay nangangahulugan din ng kanilang
kabiguan.Sa ating paglalakbay sa mundong ito, marami tayong nakikilalang tao na
naging mahalaga sa atin. Maaaring sila ay kaibigan o kaya ay kaaway. Anu’t ano
pa man, walang patid ang ating pakikipag - ugnayan sa mga tao. Para sa akin,
angtotoong kaibigan ay maunawain, hindi sinungaling, magaling makipag –
usap, mabait, at masayahin. Hindi naman mahalaga kung maganda o gwapo ang iyong
kaibigan. Hindi naman nasususkat ito sa pisikal na kaanyuan. Hindi rin sukatan
ng pagkakaibigan kung kayo ay matalino o popular. Ang mahalaga ay magkaroon ka
ng kaibigang mapagkakatiwalaan, matapat at hindi lang lumalapit sayo kapag siya
ay may kailangan.
Sinasabi din na magulang daw ang maituturing na pinakamatalik na kaibiganng
tao. Kailanma’y di mapapantayan ng sinuman ang pagmamahal na iniuukol nila para
sa mga anak. Sila ang taong hinding- hindi magbabago kahit pa talikdan sila ng
kanilang mga anak. Taos – puso ang kanilang pagdamay at hindi pabalat – bunga
lamang. Magmukha man silang sirang – plaka, di sila magsasawa sa pagbibigay ng
mga pangaral matiyak lamang na magiging maganda at maayos ang buhay ng kanilang
anak. Kahit na minsan ay nagbibingi - bingihan sila sa ating mga sinasabi, lagi
pa rin silang nakahanda sa pag – unawa hanggang sa takipsilim ng kanilang
buhay.
Paano naman kaya kung ang iyong kaibigan ay nagkasakit? Paano mo nga ba
dadamayan ang isang kaibigang nagpapagaling upang makita niya na nandiyan ka
upang palakasin ang kanyang loob? Unang una, dapat na mag alok ng espisipikong
tulong tulad ng pagsabi ng anuman ang kanyang kailangan ay nariyan ka upang
tumulong sa abot ng iyong makakaya. Pangkaraniwan lang na alok iyan, pero gaano
ba karami sa atin ang magsasabi na ginagawa yan ng isang kaibigan sa isang tao?
Minsan, ang kailangan ng isang kaibigan na maysakit ay ang aliwin siya. Tulad
ng pagdadala ng mga paborito niyang librong nakakalibang basahin o iyong
paborito niyang palabas kung nais niyang manood. Tiyak naman na kung talagang
tunay kang kaibigan, alam mo kung ano ang mga hilig niya.
Mayroon ding iba’t ibang uri ng kaibigan. Una ang “Kaibigang Artipisyal”. Sila
ang iyong mga kaibigan na kapag nakaharap ka lang at pag nakatalikod ay wala
nang pakialam. Madalas kang makarinig ng magagandang salita galing sa kanila.
Sila ang magsasabing magaling ka kahit alam naman niyana mahina ka doon.
Pangalawa ay ang “Kaibigang Talangka.” Kaibigang may pag - iisip sa crab
mentality. Sila ang nagbababa sa iyo. Ayaw nilang mahigitan sila. Gusto nila
kung saan ka magaling ay magaling din sila. Pangatlo ay ang tinatawag na “The
Parasites.” Mga kaibigan na may linyang “kapit sa matatag” sapagkat sila ang
kakapit sa panahon ng kagipitan lamang. Ikaapat ay ang “Bodyguards.” Sila ang
bumubuntot sa iyo at namimili din sila ng pakikisamahan. Ikalima ay ang tinatawag
na “The Mushrooms.” Ang ugali nila ay parang kabute. Nagpapakita lang sila
kapag may okasyon.Ikaanim ay ang “Ka-i-bi-gan.”Sila ang
kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay Juliet. Hindi nila hanap na maging
kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila
ang iyong kaibigan na may malalim na pagtingin sa iyo.Ikapito ay ang “The
Traitors.”Sila ang mga kaibigang nang – iiwan. Kaibigan mo sila ngunit hindi ka
nila itinuturing na kaibigan. Ikawalo ay ang “Brothers or Sisters.”Sila ang mga
kaibigang itinuturing mong kapatid dahil mapagmahal. Nakakatanda sa iyo at
napagkukunan mo ng payo. Ikasiyam ay ang “Golden Friends.”Sobrang tagal niyo
nang magkakilala. Kahit lumipas man ang panahon ay hindi ka niya kinalimutan.
Panghuli ay ang tinatawag na “Tunay na Kaibigan.” Sila ang mga kaibigan na
kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang
mga taong hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag – aangat sa
oras na bumagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa mga oras na malungkot ka.
Marahil mayroon ngang iba’t ibang uri ng kaibigan. Nasasaiyo kung sino ang
pipiliin mo sapagkat ikaw ang nakakaalam ng maaring kahinatnan ng pipiliin mong
maging kaibigan.
Hindi na kami nagkikita ngayon ni Alyssa, pero kahit hindi na kami gaya ng
dati, mananatili pa din sa isip ko ang aming mga pinagsamahan. Yung mga payo
niya sa akin upang makatulong sa paglutas ng aking mga problema ay hindi na
mabubura sa aking isipan. Kahit papaano ay natuto akong hanapin ang mga tunay
na kaibigan na siyang nakapaligid lang pala sa akin.
Reference:
· Ang Tao: Ugat ng Pakikipag – Ugnayan (Edukasyon sa
Pagpapahalaga II)
Zenaida
V. Rallama
· Karapatang Sipi 2008 ng Gabay Eskwela Publishing House
Kayumanggi sa Filipino 1 Gramatika at Pagbasa
Teresita
Laxina, Perla Guerrero at Josephine Emma Reyes
Leo
Ross Publications
· Yaman ng Wika at Panitikan (Filipino IV)
Maurita
L. Glinofria
Diwa
Scholastic Press Inc.