Monday, 3 March 2014

Leslie Ann D. Galiya             
BSE T. L. E - IB                   

Tunay na Kaibigan Nga Bang Maituturing?

Sa mundo na punung – puno ng mga taong may iba’t ibang kaisipan, paniniwala, at ugali, mahirap makahanap ng mga taong magiging kapalagayang-  loob natin. Pero akala ng iba nakasama mo langng ilang araw, tunay na kaibigan na kaagad. Kapag pareho kayo ng trip at mga gustong puntahan, akala mo tapat na kaibigan na. May mga nakapagsabi sa akin na wala ka naman ibang maaasahan sa mundong ito kundi ang iyong sarili lamang. Para sa akin, totoo naman talaga iyon. Kaya lang kung ikaw ang tatanungin, masasabi mo ba na masayang mabuhay sa mundo kung ang tanging iniikutan lamang ng daigdig mo ay ang pamilya at sarili mo lang? Bakit pa nagkaroon ng kantang “Kung Kailangan Mo Ako” na inawit ni Rey Valera? Ayon sa kanta niya.

Mayrong lungkot sa yong mga mata
At kay bigat ng yong dinadala
Kahit di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin
Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo
At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako
            Sa awitin niyang ito, kailangan mo ng kaibigan upang ikaw ay damayan sa kabila ng suliranin mo sa buhay.
            High School days. Ito ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko at ng kapwa ko estudyanteng nagdaan sa apat na taong ito. Unang araw ng klase kaya’t medyo nagkakahiyaan pa.Sa apat na sulok ng kuwarto maririnig ang ingay ng mga estudyante na halatang sabik makilala ang isa’t isa. Mga bandang alas syete na ng umaga nang dumating ang titser at naabutang nagbabatuhan ng papel ang mga kalalakihan sa likod na mukhang mga “Dota Boys.” Kanina pa kase sila nag - uusap tungkol sa dota na tila ba sila lang ang nagkakaunawaan kaya naman, madali lang silang nagkasundo. Nagpakilala na ang aming titser at inutusan kaming humanap ng kapartner para naman makilala namin ang isa’t isa. Nasa ikalawang hanay ang aking upuan samantalang, ang naging kapartner ko ay nakaupo sa unang hanay. Sabi niya, kaming dalawa na lang daw ang maging magkapareha kaya naman pumayag na ko. Naalala ko nga pala, siya yung kaklase kong babae na kanina pa sagot ng sagot sa tinatanong ng titser namin. Pati pagsasalita niya ng Ingles para bang inaartihan niya.
            Doon kami malapit sa may bintana pumuwesto. Una siyang nagpakilala.“Ang name ko Alyssa, how about you?” sabi niya. Pagkatapos, binanggit ko din ang buong pangalan ko. Pareho kami ng edad at hindi nagkakalayo ang buwan ng aming kapanganakan. Nais daw niyang bumuo ng grupo kung saan magiging matatalik kaming magkakaibigan. Sinakyan ko lang ang trip niya at nagpakita lang ako ng pagsang - ayon sa mga sinabi niya.
            Kinabukasan, oras na naman ng klase. Sayang at hindi kami naging magkatabi ng kaibigan ko. Pero ayos lang, kasi kaibigan ko rin naman ang aking katabi sa upuan. Si Alyssa ay tulad pa din ng kahapon na aktibo sa klase, at inaartihan ang pagsasalita ng Ingles. Pero wala namang kaso sa akin kung ganoon siya. Dumating na ang oras ng pananghalian, magkasama na naman kami at pareho pa kami ng biniling pagkain. Marami kaming napagkwentuhan partikular na ang problema niya sa pamilya. Hindi ko siya itinuring na barkada sapagkat ang barkada ay kasama lang naman natin sa mga lakaran, pasyalan, o kasiyahan. Katulad ng mga kaklase kong nag uusap tungkol sa pagpasyal nila sa isang lugar.
            “Rey sasama ka ba kina Ann?Naghihintay sina Angelo at Rachel.” Ang sabi ni Joey.
            “Marami kasi akong tatapusing report, pero kung kasama ka, pwede rin akong sumama.” Sagot naman ni Rey.
            “Sa Grotto Vista ang punta natin, kina Ann tayo magkikita – kita. Ang sarap sa Grotto. Anim ang swimming pool at maraming slides. Tara na.”
            “Oo na nga. Magpupuyat na lang ako mamayang gabi. Kasama ka lang kaya sasama ako. Di naman tayo magtatagal diba?kaya hindi na lang ako magpapaalam.” Ang pagsang - ayon naman ni Joey.
            Sa kanilang pag uusap na ito, hindi ko masasabing tunay silang magkakaibigan sapagkat ang nais lamang nila ay magliwaliw at mga lakarang gaya niyon. Sa ginagawa nila, maaring humantong lamang sa kapahamakan ang kanilang lakad sapagkat hindi man lamang sila nagpaalam sa kanilang mga magulang. Mas nais nila ang kasayahang gaya nito kaysa ang pag uudyok sa bawat isa na mag - aral.
            Dumaan pa ang mga araw at sa kabila ng aming magandang samahan ni Alyssa, nagbago ang lahat nang dahil lang sa isang pangyayari. Isa si Alyssa sa naatasang maglinis sa kwartong aming ginagamit upang mag – aral.. Nagkataon naman na nagmamadali ako ng araw na iyon sapagkat may mahalaga pa akong pupuntahan. Nagpaalam akong mauuna na kasama ng iba pa naming kaibigan. Tumango lamang siya at sa pag - aakala ko na ang kanyang pagsang – ayon ay isang hudyat na maaari na akong umalis, ngumiti ako sa kanya kasabay ng mabilis na paglakad papalayo. Simula noon, hindi na kami tulad ng dati na palaging magkasama. Tila ba lumamig ang kanyang pakikitungo sa akin. Nag - uusap na lamang kami kapag may itatanong o kung may kinalaman sa aming pag aaral. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang dahilan ng hindi niya pagpansin sa akin. Inisip ko na lang na sensitibo siya sa mga ganoong bagay. Kapag aking binabalikan ang pangyayaring iyon, iniisip ko na wala naman akong ginawang mali sapagkat nagpaalam naman ako sa kanya. Ayoko na ding isipin na muli pa naming maibabalik ang dati sapagkat kung sa isang simpleng bagay katulad ng nangyari paano pa kaya kapag sinubok kami ng panahon. Hindi rin magtatagal ang aming pagkakaibigan. Para bang isang sugat na hindi na kailanman maghihilom nang dahil lang sa isang payak na pangyayari ang pinag – ugatan. Doon ko napagtanto na ang tunay na kaibigan pala ay nakikilala sa sandaling sinubok na ng pagkakataon ang tatag ng pagsasama. Hindi ba ang kaibigan handa tayong unawain sa ating pagkukulang at laging may panahon sa pakikinig sa ating mga hinanakit na di kayang maipahayag sa iba? Hindi na muling nabuksan pa ang pangyayaring iyon at tuluyan na kaming hindi nagkabati.
            Natapos na naman ang unang taon sa high school. Dumating na ang ikalawang taon at hindi na kami naging magkaklase. Sa aking naging karanasan noon, dapat ay maging mapili na ako sa kaibigan. Mga kaibigang handa kang pakinggan sa iyong hinaing at hindi ka iiwan sa mga oras na kailangan mo ng masasandalan. Sa ikalawang pagkakataon, hindi na ako nagkamali sa pagpili sa magiging tunay kong kaibigan. Hindi lang isa kundi anim na kaibigang handang tumulong at magbigay ng payo. Sa katunayan, hanggang ngayon kahit na magkaiba na kami ng eskwela, may komunikasyon pa din kami sa bawat isa. Kapag may problema ang isa sa amin, handa kaming umalalay at magpagaan ng loob sa abot ng aming makakaya. Kahit gaano pa kaabala ang bawat isa sa amin, may oras pa din kami upang makapagkwentuhan. Naalala ko ang mga panahon na kaming magkakaibigan ay nagkaroon ng honor sa klase, ngunit isa sa amin ay hindi nakasama. Pero kahit ganoon, natuwa pa rin siya para sa amin at sinuportahan pa din niya kami. Tunay nga na sa bawat kaligayahang ating nadarama, masaya sila para sa atin. Walang anumang inggit at diskriminasyong namamayani kung kaya’t madalas kaming nagkakasundo. Minsan, kapag hindi bagay ang suot kong damit, sinasabi nila ito sa akin sa paraang hindi ako magagalit at mapapahiya. Yung tipong hindi nila sinasabi sa harap ng maraming tao. Isa yan sa palatandaan ng mga tapat na kaibigan. Sila ang makapagsasabi sa atin nang tahasan ng mga bagay na di kayang ipagtapat ng iba kahit pa makasakit ito ng ating damdamin sapagkat ang layunin nila’y hindi upang hamakin ang ating pagkatao o ipamukha sa atin ang ating kahinaan. Sa halip, gusto lamang nilang  mapaunlad ang ating kahinaan at mabago ang di magandang pag uugali. Hangarin nilang maituwid ang ating landas na tinatahak sapagkat ang ating kapahamakan ay nangangahulugan din ng kanilang kabiguan.Sa ating paglalakbay sa mundong ito, marami tayong nakikilalang tao na naging mahalaga sa atin. Maaaring sila ay kaibigan o kaya ay kaaway. Anu’t ano pa man, walang patid ang ating pakikipag - ugnayan sa mga tao. Para sa akin,  angtotoong kaibigan ay maunawain, hindi sinungaling, magaling makipag – usap, mabait, at masayahin. Hindi naman mahalaga kung maganda o gwapo ang iyong kaibigan. Hindi naman nasususkat ito sa pisikal na kaanyuan. Hindi rin sukatan ng pagkakaibigan kung kayo ay matalino o popular. Ang mahalaga ay magkaroon ka ng kaibigang mapagkakatiwalaan, matapat at hindi lang lumalapit sayo kapag siya ay may kailangan.
            Sinasabi din na magulang daw ang maituturing na pinakamatalik na kaibiganng tao. Kailanma’y di mapapantayan ng sinuman ang pagmamahal na iniuukol nila para sa mga anak. Sila ang taong hinding- hindi magbabago kahit pa talikdan sila ng kanilang mga anak. Taos – puso ang kanilang pagdamay at hindi pabalat – bunga lamang. Magmukha man silang sirang – plaka, di sila magsasawa sa pagbibigay ng mga pangaral matiyak lamang na magiging maganda at maayos ang buhay ng kanilang anak. Kahit na minsan ay nagbibingi - bingihan sila sa ating mga sinasabi, lagi pa rin silang nakahanda sa pag – unawa hanggang sa takipsilim ng kanilang buhay.
            Paano naman kaya kung ang iyong kaibigan ay nagkasakit? Paano mo nga ba dadamayan ang isang kaibigang nagpapagaling upang makita niya na nandiyan ka upang palakasin ang kanyang loob? Unang una, dapat na mag alok ng espisipikong tulong tulad ng pagsabi ng anuman ang kanyang kailangan ay nariyan ka upang tumulong sa abot ng iyong makakaya. Pangkaraniwan lang na alok iyan, pero gaano ba karami sa atin ang magsasabi na ginagawa yan ng isang kaibigan sa isang tao? Minsan, ang kailangan ng isang kaibigan na maysakit ay ang aliwin siya. Tulad ng pagdadala ng mga paborito niyang librong nakakalibang basahin o iyong paborito niyang palabas kung nais niyang manood. Tiyak naman na kung talagang tunay kang kaibigan, alam mo kung ano ang mga hilig niya.
            Mayroon ding iba’t ibang uri ng kaibigan. Una ang “Kaibigang Artipisyal”. Sila ang iyong mga kaibigan na kapag nakaharap ka lang at pag nakatalikod ay wala nang pakialam. Madalas kang makarinig ng magagandang salita galing sa kanila. Sila ang magsasabing magaling ka kahit alam naman niyana mahina ka doon. Pangalawa ay ang “Kaibigang Talangka.” Kaibigang may pag - iisip sa crab mentality. Sila ang nagbababa sa iyo. Ayaw nilang mahigitan sila. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Pangatlo ay ang tinatawag na “The Parasites.” Mga kaibigan na may linyang “kapit sa matatag” sapagkat sila ang kakapit sa panahon ng kagipitan lamang. Ikaapat ay ang “Bodyguards.” Sila ang bumubuntot sa iyo at namimili din sila ng pakikisamahan. Ikalima ay ang tinatawag na “The Mushrooms.” Ang ugali nila ay parang kabute. Nagpapakita lang sila kapag may okasyon.Ikaanim ay ang “Ka-i-bi-gan.”Sila ang kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay Juliet. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila ang iyong kaibigan na may malalim na pagtingin sa iyo.Ikapito ay ang “The Traitors.”Sila ang mga kaibigang nang – iiwan. Kaibigan mo sila ngunit hindi ka nila itinuturing na kaibigan. Ikawalo ay ang “Brothers or Sisters.”Sila ang mga kaibigang itinuturing mong kapatid dahil mapagmahal. Nakakatanda sa iyo at napagkukunan mo ng payo. Ikasiyam ay ang “Golden Friends.”Sobrang tagal niyo nang magkakilala. Kahit lumipas man ang panahon ay hindi ka niya kinalimutan. Panghuli ay ang tinatawag na “Tunay na Kaibigan.” Sila ang mga kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang mga taong hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag – aangat sa oras na bumagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa mga oras na malungkot ka.
            Marahil mayroon ngang iba’t ibang uri ng kaibigan. Nasasaiyo kung sino ang pipiliin mo sapagkat ikaw ang nakakaalam ng maaring kahinatnan ng pipiliin mong maging kaibigan.
            Hindi na kami nagkikita ngayon ni Alyssa, pero kahit hindi na kami gaya ng dati, mananatili pa din sa isip ko ang aming mga pinagsamahan. Yung mga payo niya sa akin upang makatulong sa paglutas ng aking mga problema ay hindi na mabubura sa aking isipan. Kahit papaano ay natuto akong hanapin ang mga tunay na kaibigan na siyang nakapaligid lang pala sa akin.
Reference:
·         Ang Tao: Ugat ng Pakikipag – Ugnayan (Edukasyon sa Pagpapahalaga II)
 Zenaida V. Rallama
·         Karapatang Sipi 2008 ng Gabay Eskwela Publishing House Kayumanggi sa Filipino 1 Gramatika at Pagbasa
Teresita Laxina, Perla Guerrero at Josephine Emma Reyes
Leo Ross Publications
·         Yaman ng Wika at Panitikan (Filipino IV)
Maurita L. Glinofria
Diwa Scholastic Press Inc.


Wednesday, 26 February 2014

Noemi L. Jadia           
TLE - 1B                                

Ang Isang Pagkakamali
Maraming mga tao ang nagtatanong kung sino kaya ang kanilang makakatulayan pagdating ng panahon, ang iba naman ay nagsusumikap talaga upang pumunta sa Quiapo para magpahula pa. Makikita natin kung gaano kadesperado ang mga tao para sa kanilang mga magiging asawa.
Sa panahon na sobrang laki ng populasyon ng ating bansa, sadyang napakarami ng tao ang hindi marunong makuntento sa kung anong meron sa kanila.
 Madali silang matukso ng kung anu-anong mga gawain na maaaring maglagay sa kanila sa kapahamakan at kasawian; hindi mo man alam ang maaaring ibunga ng lahat ng iyong mga gawa, tiyak na hindi mo ito malulusutan kapag nayari ka na!
Walang sinuman ang pwedeng magmalinis at sabihin na hindi sila nagkakasala, sapagkat sabi nga nila “WALANG TAONG PERPEKTO.” Lahat tayo ay maaaring matukso sa pang-aakit ng kapwa natin di ba?
Maraming mag-asawa ngayong ang mabilis na naghihiwalay, dahil sa maaga nilang paglalandi o pagkakamali, kase naman walang sapat na gabay ng magulang o kaya ay laging tambay sa mga kanto at mga lansangan.
Sadyang napaka moderno na nga talaga ng panahon natin ngayon, dahil sa isang iglap lang ay maaari ka nang makahanap ng iyong partner sa pamamagitan ng cellphone, facebook at sa pakikipag-aybol, na nagiging sanhi ng pagluluko ng mga asawang lalaki sa kanilang mga asawang babae.
Sabi nga nila “hindi mo masasabi na matino ang isang relasyon kung hindi kayo dadaan sa mga pagsubok  tulad ng pambabae.” Masusukat mo daw kung gaano katibay ang inyong pagsasama upang ipaglaban lamang ang iyong asawa.
Sabi nga sa isang kanta:
Kay dami ng winasak na tahanan
Kay rami ng matang pinaluha
Kay dami ng pusong sinugatan
Oh! Tukso layuan mo ako..
Lahat tayo, ay may kanya-kanyang nais gawin sa ating mga pamilya upang masabi na hindi tayo susuko kahit na anong mangyari. Paano kaya napaglalabanan ng mga ilaw ng tahanan ang mga pagkakataon na malapit nang masira ang kanilang mga pamilya dahil lang sa isang pagkakamali?
Manloloko talaga ang mga lalaki. Paano ko nasabi? Simple lang dahil maraming mga babae ang kanilang napapaiyak at maraming pamilya ang nasisira dahil sa hindi nila maiwasan ang tukso. Isang tukso na mismong kapwa rin nating mga babae ang gumawa na hindi man lamang marunong makunsensya at maawa sa mga anak ng kanilang nabibiktima. Gayong isa rin naman silang mga babae na pinaglalaruan lang din naman ng mga walang hiyang lalaki na yan!
Bakit nga ba may mga tao na mahilig pumatol sa may asawa na, samantalang napaka dami naming lalaki sa mundo kahit saan ka nga pumunta ay may mga lalaki kang makikita e. bakit kaya mas gusto ng mga bwiset na babae ang pumatol sa may asawa na siguro palagay nila na mas magiging challenging ang kanilang magiging relasyon kapag pumatol sila sa mga taken na.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang kwento ng aking ina nung panahon na nagloko si papa, si papa kase yung tipo ng lalaki na kahit na huli mo na pilit pa rin niyang dinedeny, kase ganito yun, kaofficemate ni papa yung nagging kirida niya, syempre magkatrabaho sila madalas nilang nakikita ang isa’t isa, samantalang ang aking mudra ay abalang-abala sa pag-aasikaso sa amin at kay papa, nandyan yung paggising niya ay papalantsahin nya yung damit ni papa pamasok at pagka tapos ay titimplahan pa niya ito ng kape, syempre tiwala siya na walang ginagawang kalokohan ang tatay ko. 
Isang araw nagtakataka si mama, kase palaging ginagabing umuwi si papa at doon na nagsimulang maghinala ang lola mo, kaya ginawa ni mama sinundan nya si papa hanggang sa opisina nito sa may Makati at habang sinusundan niya ito ay magulat na lang siya dahil nakasakay niya si papa na kasama pa ang kanyang kirida, at take note naka-akbay pa ang lolo mo sa kanyang kabechay! Huli na nga sa akto pilit pa ring dinedeny ni papa ang nakita ni mama. Simula noon ay nagkaroon na ng lamat ang relasyon nila bilang isang mag-asawa dahil sa isang paglalandi na tinatawag.
Minsan nga naisip ko tuloy habang binubuo ko sa aking isip ang paksang ito na tungkol sa mga lalaking mahilig matukso sa mga babae kahit alam nila na may asawa na sila. Paano kaya kung mangyari sa akin ang mangyari sa mama ko? Ano kaya ang gagawin ko? Yung iba kaseng mga asawa na babae diyan kapag nahuli nila na may kabit ang kanilang asawa kadalasan ang ginagawa na lang nila ay umiyak nang umiyak na tila nag papa-awa sa asawa nila na walang konsensya!
Pagkatapos ay magsusumbong sa kanilang mga magulang, akala mo naman ay mga bata sila, di ba? siguro kung dadating man sa panahon na mangyayari sa akin na lokohin ako ng asawa ko, baka mapatay ko siya at ang kanyang kabit, aba! Hindi madali ang mmagpa- alila sa kanya,at sa kanyang mga anak. Naku! Wag lang talaga siyang magkakamali dahil puputulin ko ang ari niya at ang ari ng kanyang kabit. Di ba’t isang magandang ganti para sa mga lalaki na ubod ng kati at para din sa mga babae na tila parang may higad na hindi mapakali. Ganyan ang bagay sa kanila upang di na umulit pa!
Isang kabit, kirida, other woman, mistress o kabechay, tawag yan sa mga babaeng hindi marunong makuntento sa may asawa na lalaki dahil ang gusto nila ay tipo na may kahati sila para may trill daw sa relasyon nila, at dahil sa kabit lamang siya malamang sa hindi mas “big time “ pa siya gastusan kaysa sa totoong asawa dahil lahat ng luho niya ay ibibigay ng lalaki upang makascore lamang sa kanya. Ang tindi niya noh?
Sa panahon na masyadong ng moderno ang mundo kasabay nito nagiging moderno na rin ang mga kirida ngayon kung dati, masaya na sila kapag nagkikita sila ng palihim ng kanilang mga “papa” ay naku Day! Ngayon hindi na pwede sa kanila yon, kase gusto nila pati sila illegal na rin ng kanilang mga “papa” mas matapang pa nga sila kaysa sa totoong asawa at minsan pa nga ay gusto nila na sa kanila pa mismo umuwi ang lalaki kaysa sa totoong asawa nito.
Maraming mga kwento ang mga tungkol sa mga kirida na matatapang, isa na rito ang pinaka sikat na teleserye na pinanonood ng inyong mga nanay, ito yung kwento ni Angeline na ang pamagat ay “TEMPTATION OF WIFE.”  Sigurado ako na pamilyar kayong lahat dito lalo na yung mga mag-asawa diyan na naranasan na rin ang naranasan ni Angeline na bida sa palabas. Si Angeline kase yung tipo ng asawa na sobrang bait at maalaga sa pamilya kaya nung siya ay aksidenteng nabuntis ni Marcel ay agad siyang pinakasalan nito kahit na tutol ang pamilya nito kay Angeline sapagkat galing si Angeline sa isang mahirap na pamilya. Nagsama sila ni Marcel sa loob ng sampung taon ngaunit yung pagsasama nila ay hindi rin naging maganda dahil nakunan si Angeline. Ito ang naging dahilan upang mambabae itong si Marcel at ang masaklap pa doon ay yung mismong kaibigan pa ng kanyang asawa ang naging kirida niya at yun ay si Heidi, hindi nagtagal ay nagkaroon pa ng bunga ang pagtataksil nila Marcel at, Heidi, bagay na nagtulak kay Heidi upang, mas maging matapang pa siya kay Angeline.
Nakakabulag talaga ang pag-ibig sa buhay ng isang tao, siguro kung pinanganak tayo na dalawa ang ating puso e di sana wala nang matatawag na kabit. Ano? Bakit nga ba isa lang ang pwed nating mahalin at panagakuan ng panghabang-buhay na pagmamahal? Bakit nga ba tayo kailangan mangako kung di rin naman pala natin kayang panindigan ang mga letrang binubuo ng salita “PANGAKO” Bakit kailangan pang ikasal kayong dalawa kung hindi rin naman magtatagal ang inyong pagsasama?
Minsan pa nga ang mga kirida ng ating mga asawa ang siya pang nagiging bida sa buhay nila kaysa sa ating mga legal na asawa. Mahirap para sa isang lalaki ang aminin ang kanyang kasalan, sapagkat alam niya sa sarili niya na kapag umamin siya ay parang binababa na niya ang dangal niya bilang isang lalaki. Dapat kapag kayo ay nakapag-asawa na para hindi magkaroon ng kasawaan sa isa’t isang panatilihin ninyo na sabik pa rin kayo sa isa’t isa kahit kayo ay palaging nagsasama at nagtatabi sa kama.  Kase naman mga babae wag kase kayong masyadong o.a tungkol sa inyong mga asawa, alam niyo ba na hindi makakatulong yan sa inyong pagsasama. Alam ninyo kase yang mga lalaki nay an kapag masyado mong hinigpitan mas lalo silang nasasakal at mas lalo silang mawawalan ng pagmamahal para sa ating mga babae kaya maghahanap yan ng taong makikinig sa kanilang mga problema, pero kapag lalo mo namang niluluwagan ang inyong pagsasama magsasawa at magsasawa din sila sa atin.
Gumawa ako ng isang surbey tungkol sa mga babae na nakakahuli sa kanilang mga asawa na may ibang pinagkaka-abalahan, at nalaman ko na siyam sa sampung babae ang nagsabi na nahuli nila ang kanilang asawa na may iba, at tinanong ko din sila kung paano nila nalalaman na may kalukadidang ang kanilang mga asawa iisa lang ang sagot nila at yun ay kapag daw palaging ginagabi na sa pag-uwi at, laging may kausap sa kanyang cellphone. Nagsisimula na raw silang magduda at ang kanilang pagdududa ay hindi nagkakamali.
Isa na rito ang kwento ni ate Pen-pen, na iniwan ng asawa at sumama sa kanyang kabit  na di hamak daw na mas maganda kaysa sa kanya. Iniwan si ate Pen-pen ng kanyang asawa dahil daw sa kanyang ina na labis daw na kina-iinisan ng kanyang asawa na itago na lamang natin sa pangalan na si kuya Lakay. Base sa kwento ni ate Pen-pen sa akin, kasi daw umaga pa lamang ay nandyan na ang kanyang nanay at kinakatok sila kaya etong si kuya Lakay ay laging naiinis dahil naiistorbo na daw sila sa kanilang pagtulog bagay na sinang-ayunan niya naman. Bukod pa dun nawawalan na daw sila mag-asawa ng “privacy” sa isa’t isa kaya nga daw sila bumukod ay para mabuhay ng tahimik at para hindi na sila paki- alaman ng kanyang nanay. Walang anak sina ate Pen-pen at kuya Lakay; kaya madali kay kuya Lakay ang iwanan si ate Pen-pen dahil wala naman talagang bunga ang kanilang pagsasasama.
Maraming kapit-bahay ko pa ang nag bahagi sa akin ng kanilang buhay mag-asawa. Medyo na awa lang ako talaga kay ate Pen-pen kasi kung susuriin nating maigi wala naman talaga siyang kasalan sa sitwasyon nila mag-asawa siguro kung meron man ayun ay ang di nila pagkakaroon ng anak. Sa kaso ni ate Pen-pen,mas nanalo ang kabit ni kuya Lakay kaysa sa kanya. Siguro hindi sila soulmate ni kuya Lakay kaya hindi nagtagal ang kanilang pagsasama bilang isang mag-asawa.
May ibang kwento naman minsan mas pinipili pa ng mga lalaking asawa ang kanilang pamilya para sa kanilang mga anak. Mas maganda talaga na may bunga yung pagmamahalan ninyo bilang mag-asawa upang may panlaban ka sa mga kontra-bida ng inyong pagsasama. Kadalasan mga anak lang kasi ang nagpapatibay sa samahan ng isang mag-asawa katulad ng kwento ni ate Pen, na wala silang anak ni Kuya Lakay siguro kaya mabilis na nasulot ng kirida si kuya Lakay kase wala naman talaga sila matatawag na pamilya upang ipaglaban nilang dalawa.
Siguro maganda bago kayo magsama ng panghabang-buhay mas maganda kung, kilalanin ninyo muna ang isa’t isa, para walang na kayong magiging duda sa inyong pagsasama.
Kung ako lang ang tatanungin, bago dapat magpakasal ang isang magsyota dapat umabot muna sila sa pitong taon na relasyon, para naman masabi mo na sanay na kayo sa isa’t isa at syempre mas kilala niyo na ang mga sarili ninyo.
Hindi naman talaga masama ang tumingin sa ibang babae, pero dapat mga lalaki hinay-hinay lang kase masyado naman kayong nagpapadala sa inyong mga nararamdaman na mali. Sana man lamang bago kayo pumasok sa bawal na relasyon sana man lang isipin ninyo muna yung mga tao na masasaktan ninyo at sana magpakatotoo kayo sa sarili ninyo, hindi puro kalokohan ang nasa isip ninyo.
Alam ko na wala pa ko sa wastong edad upang sabihin ang lahat nang ito dahil unang una sa lahat wala pa akong pamilya, ni wala nga kong boyfriend e wala naman kaseng nagkakamali sa akin. Gayunpaman, lahat nang ito ay nasabi ko base sa mga naranasan ng pamilya ko. Oo inaamin ko na hindi kami naging perpektong pamilya, kase tulad ng ibang lalaki nagloko din si papa kaya naman ginawa ko ito kase nais kong maliwanagan kayong lahat at para wala na ding taong masasaktan nang dahil lang sa pagkakamali na hindi sinasadya.
Hindi naman masusukat ang tatag ng isang pamilya kung hindi ito dadaan sa isang pagsubok di ba? Kaya naman dapat kapag may nagkamali man sa inyong dalawa hangga’t kaya pang ayusin ay ayusin na upang maiwasan ang paghihiwalay wala namang taong na gusting iwan siya dahil sa isang pagkakamali na ginawa niya. Lahat ng tao ay nagkakamali maaring sinadya o hindi man isa lang naman ang dapat nating gawin sa kanila di ba yun ay ang pagbibigay ng patawad sa kanila.
Totoo nga yung kasabihan na sa una ay puro saya pero dadating ang panahon na iiyak ka. Ibig sabihin na kapag masya kahit na alam mo may masasaktan ka, bandang huli ikaw at ikaw pa rin ang magsisisi ng lahat ng inyong kamaliang nagawa.
Di ba nga utos ng Diyos na mahalin natin ang bawat isa tulad nang pagmamahal Niya sa ating lahat. Siguro panahon na upang mawala na ang mga bagay na walang dulot sa ating maganda, siguro panahon na rin upang tayo ay pagharian ng pagmamahal sa ating mga puso.
Umaasa ako na sana ay wala nang babae iiyak nang dahil lang sa panloloko na ginawa sa kanya ng kanyang asawa at sana rin wala nang babae ang magagawang pumatol sa mga may asawa na. Parang awa nyo na maawa naman kayo sa inyong mga sarili higit pa sa hayop ang ugali ninyo kapag ginawa nyo pa yun!
Uumaasa ako na sa pagbasa nyo ng aking sanaysay ay makakuha kayo ng kaunting aral tungkol sa inyong kamalian sa pag-aasawa ng maaga. Alam ko na darating din ang araw na maghahari sa mundo ang pagmamal na tanging nais ko para sa ating lahat.
Referrence:
·         Philippine Bible Society, Ang Magandang Balita Biblia.
·         Abangan, Bella A.  Lakbay-Diwa, aklat 3: Lakbay-diwa Enteprises.p. 50.

















































Joyce Zamora
TLE - 1B 
You RICH ,  Me POOR
MAYAMAN ka ! MAHIRAP ako!
SHIT ka!! PUTA ako !!!

Friendship is a happy thing.It makes us laugh.
It makes us sad. It makes us cry.
It makes us seek the reason why.
It makes us give. Above all else it make us LIVE .

Ang masarap na feeling pag may mga kaibigan ka , you don’t need to face the problem with yourself .Sabi nga ng iba diba true friends ay nagdadamayan. Mayaman man yan o kinakapos lagi . Karamihan nga mas Masaya pag kasama barkada nila , yung tipong mga bagay na hindi mo magawa sa loob ng bahay niyo , dahil sa magagalit ang magulang mo , eh nagagawa mo na pag kasama sila . Mapa-masama man yan o hindi .
Change topic muna tayo . siguro nagtataka ka , sino ba ko para basahin mo ang sinulat ko?.Estupidyante din ako tulad mo. Ang Hindi ko lang masasabi eh kung nakakarelate o makakarelate ka sa ikukwento ko .Bahala na nga!
Commuters ka rin siguro gaya ko , nakasakay ka na rin siguro sa LRT at MRT . Madalas dun ako sumasakay bago at pagkatapos ng klase ko. Sobrang sikip diba ? Kulang na nga lang ma-Putang ina mu na!.
Bakit kaya hanggang sa loob ng LRT at MRT may discrimination pa rin? Pag matangkad ka ayos ka! Pero pag maliit ka tinatapak-tapakan ka na lang !.Pesteng buhay yan.
Naranasan mo na rin sigurong pumunta sa party? Hindi yung niyaya ka ng mga dabarkads mo sa kapit-bahay nyo tapos ang sabi “let’s do the parte-parte sa pambili”. (hahaha!) what I really mean about party is yung may mamahaling alak, inumin ,pagkain ,magaganda at bonggang kasuotan. Yung tipong pag niyaya ka nila sa party na yan , eh para ka na rin tumalon sa tulay dahil sa hindi ka makasunod sa lifestyle at English nila ! Nosebleed nga diba.
Lahat tayo may karanasan na kakaiba, pero wala tayong magawa kundi tanggapin na nangyari sa atin yun. Pero ano mang katayuan natin sa buhay, lahat tayo may karapatan pa rin, na piliin kung anu ang gusto nating mangyari sa buhay natin.
Ang hirap lang sa mga Pilipino ngayon, mapagpanggap! Nag aastang mayaman. Kinakahiya ang pagiging mahirap.
Pinagmamalaki ko na mahirap ako, na nag aaral ako sa gobyernong kolehiyo. Pero hindi ibig sabihin nun eh habang buhay na akong nakatali sa katayuan kong yun. Mas masarap maging inspirasyon sa buhay na naging mahirap ka, nakaranas ka ng hirap bago ka umunlad. Hindi tulad ng mag pinanganak ng mayaman pero bandang huli dun nkaranas ng paghihirap.
Ang hirap kasi sa punyemas na bansa natin, corrupt! Mahirap ! At unang una sa lahat mga mandurugas. Kailan ba mawawala ang utang ng ating gobyerno? Para kasunod nun eh umasenso ang mga taong mahirap na patuloy parin naghihirap sa lumulubhang kalagayan natin ngayon.
Tumingin at magbasa ka ng pinulot-pulot lang na dyaryo sa tabi-tabi. Puro corruption ang mababasa mo , krimen , kalamidad , mga away ng mga sosyal. Paano sa mga susunod pang mga taon , susunod pang henerasyon? Pagkamulat nila sa mundong ito , papayag ba kayong may utang na sila sa gobyerno ?
Kaya minsan nakakaawa ang mga batang , bata pa lang nakaranas na ng hirap, pang aabuso dahil sa katakot na takot na buhay dito sa mundo. Minsan naisip ko , bakit kaya sila binigay ng ama ? kung maghihirap lang sila pag silang pa lang nila. Dahil sa hirap ng buhay , walang makain . walang masilungan at matulugan na komportable. Walang maayos na damit . Walang perang pampaaral sa kanila. Diba ? samantalang ang iba nagpapakasasa sa pera ng iba! Naglulustay ng pera sa mga walang kwentang bagay. Nakahiga sa malambot na kama . Kumakain sa mamahaling restaurant.At nagbibingi-bingian sa pangagailangan ng iba.
Paano sa susunod na taon? Paano pag may mga anak na rin tayo ? May maiiwan pa ba sa mga anak natin? Mararanasan din ba nila ang naranaan natin ngayon ? Minsan, kahit masakit sa atin na isipin,naisip pa rin natin, na kawawa ang mga susunod na henerasyon. Sasabihin sa kanila sila ang pag-asa ng bayan. Isisisi ang mga bagay na nagawa ng naunang kabataan. Ilalagay sa posisyong wala silang kamalay-malay.
Sana ang buhay natin maging kagaya ulit ng dati. Walang gadgets, wala pang technology, no cellphones , kasi kung kailan mas madali ng maki pag komunikasyon sa iba eh para mas mahirap pa ngayon. Busy na ang mga tao sa mga social networks.
Sana yung patuloy parin na umaasa ang iba na tama pa rin si Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Sabi kasi ng iba ang mga kabataan ang sakit sa lipunan natin ngayon.
Alam ko mahirap tanggapin pero totoo. Naniniwala ako na mas masipag ang kabataan noon, sa kabataan ngayon. Utusan ka nga lang ng nanay mo na mag hugas ng pinggan eh hindi mo man lang mabitiwan ang hawak-hawak mong cellphone. Maistorbo ka nga lang ng konti ikaw pa ang galit. Akalin mo yun? Dahil lang sa may katext ka , babastusin mo ang magulang mo. Diba , what a nice shit!
Alam mo may pagkakataon pa naman tayo para magbago, eh yun lang kung ayaw mong magbago. Wala namang pumipilit sayo . Buhay mo pa rin yan. Pero sa mga gustong magbago, Put God First . Alam ko mahirap magbago. Kaya nga unahin mu muna si Kristo sa buhay mo . when days comes hindi mo napapansin , iba ka napala, na marunong ka na palang makisimpatsya sa nararanasan ng iba. Na mas masarap pala na paglingkuran ang mga magulang mo habang buhay pa , hindi yung sinasayang mo ang oras mo sa mga taong hindi naman alam talaga kung ano ang tunay na makakapag papasaya sayo.
Ang mga kaibigan na meron ka ngayon , mawawala din yan. Subukang mong wag ilibre mga yan. Makikita mo na lang iniisnab ka na lang. Ang mga hindi tunay na kaibigan ay parang lifestyle din yan , kumukupas. Kungbaga sa damit, namamantsahan. Kumbaga sa pitaka, nabubutas paminsan-minsan.
Sabi nga sa I LIKE YOU JUST BECAUSE ni Albert J. Rimeth,No one can go through life without Friends. Syempre in life mas Masaya nga naman na sa bawat hirap at sarap ng nararanasan mo eh may matatawag kang kaibigan na dadamay sayo.

Siguro ang sarap isipin kung magiging maayos lang ang takbo ng gobyerno natin ngayon. Ang mga mahihirap , mararanaan makakain ng masasarap. Ang mga walang magulang na mga bata magiging Masaya dahil hindi nila kailan na maging malungkot sa pagkawala ng magulang nila dahil may mga taong kayang makapagpasaya sa kanila na higit pa sa kaya ng mga tunay na magulang nila.
Alam mo na ba kung ano pinupunto ko?
Ito lang naman ang gusto ko , maging mabuti tayong miyembro ng lipunan. Wag na tayong dumagdag sa problema ng lipunan. Maging mabuti tayong nilalang . Maging mabuting anak at kaibigan.
Para gaano man kahirap ang buhay ngayon atleast magiging Masaya pa rin tayo sa tulong ng mga taong nagmamahal satin.
Ayahan mo na ang mga kaibigan mong sa una lang magaling. Ipanalangin mo na lang na dumating yung araw na mag sisisi sila na hinayaan nilang mawala ang isang kaibigan na dadamay sa kanya sa hirap man o saya. 

Reference
Carla Mae Caladiao – New Era University
Archie Leona – BSME student in Earist
John Mark Mercado- CIT student in EARIST


Raquel Joy P. Lacsa
TLE - 1B

 Noon o Ngayon

Hilig mo bang gumamit ng kompyuter kaysa magbasa ng libro? Anu-ano ba ang mga kapakinabangan sa paggamit ng kompyuter? Totoo bang mas madadagdagan ang iyong kaalamansa paggamit mito?
Marahil ay totoo ngang may matututunan ka, ngunit hindi ito sapat na paraan upang makatulong ka sa pag-unlad ng iyong bayan. Paano ba mabibigyang solusyon ang mga taong patuloy na umaasa sa magagawa ng makabagong teknolohiya sa kanilang buhay? Magawa mo akaya silang hikayatin na maupo at magbasa ng isang makabuluhang aklat? Ito ang mga akatanungan na maaaring lumaki o lumawak ang mga kasagutan.
Bakit ba may mga ataomg umaasa na lamang sa teknolohiya tulad na lamang ng maga mag-aaral? Bakit ba sa tuwing gagawa sila ng kanilang mga proyekto o takdang aralin, ang una nilang tinatakbuhan ay ang makabagong teknolohiya? Marahil napakadali naga naman na malaman ang mga impormasyon na gusto mong malaman sapagkat lahat ng detalye ay nakapaloob na sa kompyuter at maaari ring mapabilis ang paghanap mo dahil sa isang ‘click” mo lang ay lalabas na ang impormasyon na hinahanap mo
Pero ang paggamit ay may epekto sa atin na mabuti’t masama. Ang mabuting epekto nito sa atin ay madal mong malalaman ang solosyon sa paggawa ng mga suliranin sa pag-aaralmababawasan ang pakonsumo sa oras at mapapaganda mo ng maayos ang asignatura mo. At ang masamang epekto naman nito sa atin ay nagiging tamad na tayong mag-isip at uamaasa na lamang sa “instant” o madaliang solusyon. Nakakasira din ito sa ating kalusugan. Oo, maraming magagawa sa buhay ng tao ang teknolohiya, ngunit ano ba ang kahihinatnan n gating mundo kung puro na lang ganito ang tumatakbo sa ating bansa?
Huwag tayong masyadong umasa sa kung aano ang magagawa nito, dahil baka dumating ang araw na teknolohiya na ang nagpapatakbo sa buhay natin. Bakit hindi mo na lang ituon ang sarili mo sa pagbabasa ng mga libro? Dito, marami kang matututunan at detalyado pa kaysa sa nakasaad sa kompyuter at higit sa lahat wala itong masamang epekto sa atin.
Sa pagbabasa, matututo tayong umunawa atmag-isip at sa pamamagitan ng pagbabasa, mas mapapalawak pa ang kaalaman natn. Bakt mas pipiliin mo pang mapabilis ang impormasyon na gusto mong malaman, kung hindi mo naman naiintindihan? Bakit mas pipiliin mo pang sayangin ang oras mo sa walang ka-kwenta-kwentang bagay? Kung may libro naman na kahit wala kang pera, yumayaman ka pa rin sa kaalaman?
Sa bawat aklat na iyong babasahain ay may hatid na panibagong kaalaman na unti-unting humuhubog ng iyong kaisipan at pagkatao. Napakaram ng manununlat na gumawa ng mga aklat upang maipamulat sa atin ang kahalagahan ng pagbabasa, isang halimbawa na si Bob Ong. Kung ano man ang pinatutungkulang ng kanyang mga akda ay may kabuluhan at ito ay hango sa realidad na pamumuhay ng tao.
Ngunit hindi lahat ng aklat ay mabuti. May mga aklat na naaayon sa bawat isa. Piliin natin ang libro na ating babasahin. Hindi lamang libro kundi maging ang mga pahayagan o iba pang babasain. Dahil may mga pagakakataon na ito ay maaaring malaswa o may limitasyon ang edad ng taong magbabasa nito.

Katulad na lamang ang  aklat na Orosa-Nakpil. Ito ay “for matured person only” dahil ito ay may kalaswaan. Ito ay kwento ng mga lalaking pumapatol sa kapwa nila lalaki. At kung paano lumalaganap ang sakit na HIV. Sa kabilang ng mga ganitong usapan, ay mayroon ka din namang mapupulot na aral. Lagi lamang nating isaalang-alang ang limitasyon ng mga ito.





References:
Rijhene Geloso
Arvin Anzures
Noemi Jadia

Marianne Guerra
Winilyn Lapasaran
TLE - 1B

LintiknaPag – ibig
Sa dinami rami ng bagay sa mundo, pag – ibig ang siyang nagpapaikot dito. Pag – ibig na hindi mawawala sa buhay ng tao,  sa bawat Segundo ng ating buhay patuloy na tumitibok ang ating mga puso na nagbibigay ng tuwa, sakit, pait, at dusa. Walang kulay ang istorya natin kung walang mga emosyon. Ano nga ba ang pag – ibig na siyang hinahangad na makamtam ng lahat? Pinapangarap at tinatamasang maranasan ng ilan? Totoo nga bang ang pag – ibig ay nagpaparanas ng walang katumbas na kaligayahan at walang humpay na sakit? At bakit maraming tanong kapag inlove? At paulit – ulit na tinatanong kahit alam na ang kasagutan. Kailangan pa bang paliwanag kahit maliwanag na ang lahat? Kailangang “I - explain”ng bonggang bongga mula umpisa hanggang huli, mula sa ibaba hanggang itaas? Sabinganila “Love is like a fantasy” na mayroong “magic” tapos may “sparkle” at lahat ng makikita mo wala sa realidad, gayang sinasabing ilan na para raw silang lumulutang sa hangin. Anu yun, joke? Hindi ba nila pwedeng I –identify ang pag – ibig sa realidad na paraan. Nakakabata raw pag – inlove, yung tipong manonood kayo ng palabas sa “Walt Disney”. Pag – ibig nawawala ka na sa realidad ng mundo, yung tipong nasa Pilipinas ka tapos mapupunta ka ng ibang bansa dahil nakapag – asawang “foreigner”. Ay mali pala. Isipin mong nasa disyerto ka at biglang umuulan ng niyebe o di kaya, kayo na lang ang tao sa mundo. Hindi sa pagiging “bitter” ang paglalarawan ko sa pag – ibig kundi dulot ito sa ating buhay.
Love is blinding, not everything you see is real and not everything you hear is true.” Ito ang pambanat ni Papa Jack sa TLC (True Love Conversation) na talagang tinamaan ako ng lintik na inspirasyon para lang matapos ko na ito. Bakit ba bulag ang mga nagmamahal? Kahit anong pangit ng partner mo, kahit anung sama ng ugali at inako lahat ang kasamaan, ultimo kadugyutan sinama na. Sasabihin nila na mahal ka, tapos mahal mo na. “Don’t care what they say” utang na loob. Kung iisipin natin hindi lang tayo ang tao sa mundo, hindi tayo nag – iisa at hindi rin kayong dalawa lang. Walang “requirements” sa love, hindi kailangan ng biodata, o ng “background”, walang pinipili mapa – bata’t matanda, kaya nga sinasabihan ang henerasyon at inaabuso pero sa kaabusuhan natin, marami ang nauso. Sa ibang dako ng aking pananaliksik sa pag – ibig, napapaloob ang mainit na damdamin, pagmamahalan at malalim na pagtingin para sa isa’t isa.Samu’t saring emosyon ang nararanasan; kaya pala pag nagbabasa ako ng “pocket book” kung anu – anong paliwanag mula sa pag –ibig at iba’tibang panlasa nito. Lumilingon lingon ka lang, marami kang makikita, “getting – to – know” hanggang sa magkaalaman ng password, ”love birds” na akala mo sila ang tao (mamansin naman kayo), pinakagusto ko yung“break - up”, ang lupet kayang makakitang nag – eeskandalo sa kalye, syempre tayong mga Pilipino tsismoso’t tsismosa kahit na nagmamadali ka mapapahinto ka tapos titingnan mo kung anu yung nangyari. Ang kulit ng tagpong “bitter stage” na nagsusulian ng gamit, nag – iiyakan kala mo namatayan. Tapos doon sila sa harap ng maraming tao. Isipin mo, binili mo yung napakamahal na “teddy bear” o “bracelet” para iregalo tapos ibabalik din sayo, sirana.ang pagmamahal nagpapakita ng respeto, nagbibigay ng kalayaan sa pagka responsable at totoo, lahat ng ito ay nagpapaunlad sa isang samahan hindi lang sa dalawang taong nagmamahalan maging sa pagkatao ng isat’ isa. Isa man mawala sa mga ito, tiyak na masisira ang pinagsamahan. Marami tayong titiisin bilang kabayaran para makuha ang wagas na kaligayahan, anomang pasakit at hapdi ng pag – ibig basta’t magpakumbaba ay pinagpala. Nagpapakita ng konsiderasyon para sa katapatan ng isang tao at katangian nito, mamahalin mo mula ulo hanggang paa, buong pagkatao.
“Love is like a riding car without breaks, going to downhill.”You know you’ll get take the wide.Huwag matakot magmahal, huwag lang sobra o kulang. Dahilito ay masama. Magmahalng walang dahilan, ito ang pinakamagandang bagay sa mundo. Hindi dahil sa pera, sa kagandahan o sa katayuan. When we’re inlove, we break the rules. Laging tatandan, ang tunay na pag – ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri at nagmamataas, hindimagaspangangpag – uugali, hindimakasarili, hindimagagalitin o mapagtanimsakapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan.Ang pag – ibig ay mapagbata, mapagtiwala, punongpag – asa at nagtitiyaga hanggang wakas.
















BIBLIYOGRAPIYA
-          Kayumanggi sa Filipino 4 – Leo Ross Publication
-          He is for me? By: Didi Nakar Marañan

-          Magandang balita: biblia
Jenny Lyn Defino
TLE - 1B
Korean Pop at Korean Wave O Hallyu:
Nakabubuti Ba O Nakasasama Para Sa Mga Kabataan?

Marami sa mga kabataang Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa musika ng mga koreano o tinatawag na Kpop o Korean pop. Ang iba sa kanila ay wala ng ginawa kundi ang paulit-ulit na panuorin ang mga music videos ng kanilang mga idolo. Ilan sa mga sikat na grupo ng mga mang-aawit at mananayaw na tinatangkilik ngayon ng mga kabataan ay ang Girls Generation, Super Junior, Infinite, 4minute, 2PM, 2AM, 2NE1, Sistar, EXO at marami pang iba. Paano nga ba nagsimula ang Korean Wave o Hallyu? Ano ang naidudulot ng kpop sa mga kabataang nahihilig dito pati na rin sa ating kapaligiran?

Ang Korean Wave
Ang Korean Wave ay nagsimula noong taong 1990 dahil sa  isang sikat na programa sa telebisyon ng  South Korea na ipinalabas sa bansang Tsina. Taong 1997 nang ipalabas ang Sa-rang-yi Muo-gil-lae (What Is Love All About?). Ito ang kauna-unahang telenobelang nagmula sa South Korea na nakapag tala ng matinding reaksiyon mula sa mga manunuod. Ito ay sa kadahilanang ang pinapaksa ng palabas na ito ay ang pag-ibig, pamilya at pagpa-pahalaga ng mga Asyano, taliwas sa mga kanluraning programa na naka-pokus sa pera at mga gangsters. Matapos ang pagsikat ng programang iyon nasundan pa ito ng mga popular na programa tulad ng Byeol-Eun Nae Ga-seum-e (Stars In My Heart), Tomato, and Gaeul Donghwa (Autumn in My Heart o Endless Love). Kasabay ng pag-sikat ng mga dramang ito ay nakatulong din ang mga South Korean pop singers na siyang umaawit ng mga theme song o pangunahing kanta mula sa palabas sa pag hubog ng Korean Wave.

Hindi lamang sa mga palabas sumikat ang trend na ito ngunit pati na rin sa iba't ibang aspeto gaya ng mga produkto mula South Korea. Ang mga halimbawa nito ay mga  pampaganda (cosmetics), damit (fashion goods), at elektroniks.

Masasabi nating ang Korean Wave ay isang "cultural phenomenon" na humatak sa mga Asyano, lalo na sa mga kabataan na bigyang importansiya o pansin ang kultura ng mga Koreano gayundin ang kahit na anong bagay na may kaugnayan dito.

Ngunit paano nga ba nag umpisa ang Korean Wave sa ating bansa?

Nag umpisa ito sa pag papalabas ng mga telenobelang koreano ng GMA7 at ABS-CBN. Dahil sa mga kakaibang istorya na halos karamihan ay "family oriented" at historikal ito ay tinangkilik ng mga manunuod. Isang magandang halimbawa nito ay ang Jewel In The Palace kung saan ang pinapaksa nito ay ang pagibig na walang halong kamunduhang pagnanasa o aktuwal na pagtatalik, kung saan higit pa sa romansang dala ng palabas ang iyong mararamdaman. Kaya naman ang isang pamilya ay nakakapanuod ng magka-kasama.

Ayon pa kay Ms. David (isang korean drama fan), "Ang mga korean dramas ay nag bibigay ng koneksyong emosyonal na hinahanap ng mga Pilipinong manunuod sa isang palabas hindi tulad ng mga Mexican shows gaya ng Marimar pati na rin ng sarili nating bersiyon nito. Iniisip nating mga Pilipino na tayo ay maka-Westener, ngunit baka tayo ay mas maka-Asyano kesa sa ating ina-akala."

Hindi rin naman nagpapahuli ang mga aktor at aktress na gumaganap bilang mga tauhan sa isang istorya sapagkat hindi mapapantayan ang kanilang angking talento,  kagwapuhan at kagandahan na tinitilian at hinahangaan ng mga teenagers, mapa-bida man o kontra-bida.

Sa hanay naman ng musika unang sumikat ang mga kanta mula sa mga korean drama. Hindi man naiintindihan ng mga Pinoy ang liriko ng kanta hindi iyon naging hadlang upang makilala ang kpop, sa Korea man, sa Asya at maging sa ibang kontinente. Nariyang binibigyan natin ito ng sarili nating bersiyon upang mas maintindihan ng mga manunuod. Lalo pang sumikat ang mga korean groups noong kumalat ang balita na ang mga matitikas na sundalo ay naging mga fans at nag tilian noong minsang bumisita ang Girls Generation o SNSD sa base ng mga militar para sa pasko. Mula noon naging sunod-sunod ang pag sikat ng mga kantang gaya ng Nobody ng Wonder Girls. Maririnig mo itong paulit-ulit na pinapatugtog ng mga taong na "hook" sa mapang-akit nitong ritmo. Sinundan ito ng I Don't Care ng 2NE1 na kinabibilangan ng pambansang krung krung na si Sandara Park na minsan ng naging isang sikat na artista sa Channel 2 ngunit siya ay nagpasyang ituloy ang kanyang karera sa industriya ng musika sa bansang Korea. Dumami pa ang mga na humaling sa kpop. Kabi-kabila na ang konsyerto ng mga kilalang Korean groups kabilang ang Super Junior (Super Show 1-5)  na limang beses ng nag tanghal sa ating bansa, ang Dream Kpop Fantasy Concert (DKFC 1) noong nakaraang taon kung saan anim na grupo ang nag patili at nag paiyak sa kanilang mga tagahanga. Hindi alintana ng mga umiidolo sa mga ito ang gastos sa sobrang mahal ng mga ticket para lamang masilayan nila ang kanilang mga idolo kahit pa sa malayo lamang.

Hindi lang sa panunuod ng konsyerto natatapos ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa Kpop. Bukod pa dito ang mga produktong kanilang binibili mula sa pinakamaliit na item gaya ng singsing na may kinalaman sa kanilang mga idolo hanggang sa pinakamalaki gaya ng isang life size standee ng kanyang 'bias'. Ilan pa sa mga pinagkaka-gastusan ng isang kpop fan ay ang pamaypay na may imahen ng kanyang 'bias', ballers, earphones, notebooks, photocards, stickers, posters, mga alahas, t-shirts, sapatos, bags at kung anu-ano pa.

At hindi rin maiiwasan ang pagkabuo ng mga bagong salita gaya na lamang ng 'bias' na tumutukoy sa paboritong miyembro ng isang fan  sa loob ng isang grupo. 'OTP o One True Pair' kung saan ipina-pares ng mga umiidolo ang kanilang bias sa isa sa mga kagrupo nito. 'Byuntae' ito ay hindi na bago sapagkat ito ay isang salitang koreano na ang katumbas na kahulugan sa ating bukabolaryo ay manyak o nakakamanyak depende sa pag gamit nito.

Habang mas nakikilala ang Korean wave o Hallyu, ay ganoon din naman ang nakukuhang kritisismo ng mga tagahanga nito, wala itong eksepsyon, kahit sino. Marami ang nagsasabing nakaka-apekto ang Kpop sa OPM o original pinoy music. Ito raw ay nawawala dahil puro revival ang mga ginagawang kanta ng mga Pinoy at ang iba naman ay dahil sa pagsikat ng mga banyagang kanta. Nangangamba ang ating mga lokal na mang-aawit at mga kompositor na nasisira na ang OPM at hindi na ito nabubuhay sa mga panahon ngayon. Nauso ang mga isinaling kanta dahil sa kawalan ng pondo para sa ating mga composers. Hindi na rin maitatago ang kakulangan ng promosyon ng mga OPM songs sa radyo o kaya naman sa TV.

Ayon sa isang pinoy na itago natin sa alyas na immortalsoul123, "Para sa akin, hindi pa namamatay ang OPM at hindi ito kailanman mamamatay. Habang mayroon tayong pagmamahal at pagpapahalaga sa mga kantang sariling atin, at sa mga Pilipinong mang-aawit na kilala sa ibang panig ng mundo, mayroon pa ring OPM. Kaya nga lang, marami pa rin ang nagsasabing patay na nga ang OPM dahil sa mga banyagang kanta, lalo na sa Kpop na nauso sa ating bansa sa mga panahong nakalipas. Nakakalungkot mang sabihin ngunit ang ibang kapwa natin Pilipino ay nagiging racist. May mga nagsulputang fanpages sa Facebook na mga nagiging anti-Kpop, at mga fanpages na anti-OPM. Ang mas nakakalungkot isipin, mga Pilipino ang gumagawa nito. Ang Kpop ay nariyan na bago pa lamang magsimulang 'mawala' ang OPM kung kaya naman wala itong kinalaman sa paghina ng musikang Pilipino."

Iba't iba man ang naging pagtanggap natin sa kpop, at korean wave o hallyu ito ay talagang tumatak sa kasaysayan ng iba't-ibang bansa saan mang sulok ng mundo. Aminin man natin o hindi, bukas palad nating tinanggap ang mga pagbabagong ito. Kailan man ay hindi ito ipinilit sa atin ng sinumang tao, mapa-ordinaryo man o maimpluwesiya. Kakaunti man sa umpisa ngunit di rin naglaon ay nahikayat din ang iba na sumunod sa agos ng pagbabago sa bawat aspeto ng ating pamumuhay. Binago nito ang mga nakagawian na natin, nagbigay ng inspirasyon at leksyon. Ngunit ito nga ba ay permanente o panandalian lamang?






Korean Pop at Korean Wave o Hallyu
Nakabubuti nga ba o Nakasasama para sa ating mga Pilipino?

Mga Pinagkunan ng Impormasyon

01. A Little Of Everything
Bakit nga ba nakaka-Hallyu?
janyx-mcmxci.tumblr.com/post/5997631669/bakit-nga-ba-nakaka-hallyu

02. Catching The Korean Wave
www.bworldonline.com/weekender/content.php?id=58793

03. Korean Pop: Ano nga ba?
immortalsoul123.wordpress.com/tag/korean-pop/

04. Studying the Pinoy's fascination with Korean Telenovelas. pcij.org/blog/2006/05/13/studying-the-pinoys-fascination-with-korean-telenovelas

05. Pop Culture Formation Across East Asia
Edited by: Doobo Shim
Ariel Heryanto
Ubonrat Siriyuvasak
Copyright: August 30, 2010 by ASEAN University Network

Korean Association of Southeast Asian Studies