Jenny Lyn Defino
TLE - 1B
Korean
Pop at Korean Wave O Hallyu:
Nakabubuti Ba O
Nakasasama Para Sa Mga Kabataan?
Marami
sa mga kabataang Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa musika ng mga koreano o
tinatawag na Kpop o Korean pop. Ang iba sa kanila ay wala ng ginawa kundi ang
paulit-ulit na panuorin ang mga music videos ng kanilang mga idolo. Ilan sa mga
sikat na grupo ng mga mang-aawit at mananayaw na tinatangkilik ngayon ng mga
kabataan ay ang Girls Generation, Super Junior, Infinite, 4minute, 2PM, 2AM,
2NE1, Sistar, EXO at marami pang iba. Paano nga ba nagsimula ang Korean Wave o
Hallyu? Ano ang naidudulot ng kpop sa mga kabataang nahihilig dito pati na rin
sa ating kapaligiran?
Ang
Korean Wave
Ang
Korean Wave ay nagsimula noong taong 1990 dahil sa isang sikat na programa sa telebisyon ng South Korea na ipinalabas sa bansang Tsina.
Taong 1997 nang ipalabas ang Sa-rang-yi Muo-gil-lae (What Is Love All About?).
Ito ang kauna-unahang telenobelang nagmula sa South Korea na nakapag tala ng
matinding reaksiyon mula sa mga manunuod. Ito ay sa kadahilanang ang pinapaksa
ng palabas na ito ay ang pag-ibig, pamilya at pagpa-pahalaga ng mga Asyano,
taliwas sa mga kanluraning programa na naka-pokus sa pera at mga gangsters.
Matapos ang pagsikat ng programang iyon nasundan pa ito ng mga popular na
programa tulad ng Byeol-Eun Nae Ga-seum-e (Stars In My Heart), Tomato, and
Gaeul Donghwa (Autumn in My Heart o Endless Love). Kasabay ng pag-sikat ng mga
dramang ito ay nakatulong din ang mga South Korean pop singers na siyang
umaawit ng mga theme song o pangunahing kanta mula sa palabas sa pag hubog ng
Korean Wave.
Hindi
lamang sa mga palabas sumikat ang trend na ito ngunit pati na rin sa iba't
ibang aspeto gaya ng mga produkto mula South Korea. Ang mga halimbawa nito ay
mga pampaganda (cosmetics), damit
(fashion goods), at elektroniks.
Masasabi
nating ang Korean Wave ay isang "cultural phenomenon" na humatak sa
mga Asyano, lalo na sa mga kabataan na bigyang importansiya o pansin ang
kultura ng mga Koreano gayundin ang kahit na anong bagay na may kaugnayan dito.
Ngunit
paano nga ba nag umpisa ang Korean Wave sa ating bansa?
Nag
umpisa ito sa pag papalabas ng mga telenobelang koreano ng GMA7 at ABS-CBN.
Dahil sa mga kakaibang istorya na halos karamihan ay "family
oriented" at historikal ito ay tinangkilik ng mga manunuod. Isang
magandang halimbawa nito ay ang Jewel In The Palace kung saan ang pinapaksa
nito ay ang pagibig na walang halong kamunduhang pagnanasa o aktuwal na
pagtatalik, kung saan higit pa sa romansang dala ng palabas ang iyong
mararamdaman. Kaya naman ang isang pamilya ay nakakapanuod ng magka-kasama.
Ayon
pa kay Ms. David (isang korean drama fan), "Ang mga korean dramas ay nag
bibigay ng koneksyong emosyonal na hinahanap ng mga Pilipinong manunuod sa
isang palabas hindi tulad ng mga Mexican shows gaya ng Marimar pati na rin ng
sarili nating bersiyon nito. Iniisip nating mga Pilipino na tayo ay
maka-Westener, ngunit baka tayo ay mas maka-Asyano kesa sa ating
ina-akala."
Hindi
rin naman nagpapahuli ang mga aktor at aktress na gumaganap bilang mga tauhan
sa isang istorya sapagkat hindi mapapantayan ang kanilang angking talento, kagwapuhan at kagandahan na tinitilian at
hinahangaan ng mga teenagers, mapa-bida man o kontra-bida.
Sa
hanay naman ng musika unang sumikat ang mga kanta mula sa mga korean drama.
Hindi man naiintindihan ng mga Pinoy ang liriko ng kanta hindi iyon naging
hadlang upang makilala ang kpop, sa Korea man, sa Asya at maging sa ibang
kontinente. Nariyang binibigyan natin ito ng sarili nating bersiyon upang mas
maintindihan ng mga manunuod. Lalo pang sumikat ang mga korean groups noong
kumalat ang balita na ang mga matitikas na sundalo ay naging mga fans at nag
tilian noong minsang bumisita ang Girls Generation o SNSD sa base ng mga
militar para sa pasko. Mula noon naging sunod-sunod ang pag sikat ng mga
kantang gaya ng Nobody ng Wonder Girls. Maririnig mo itong paulit-ulit na
pinapatugtog ng mga taong na "hook" sa mapang-akit nitong ritmo.
Sinundan ito ng I Don't Care ng 2NE1 na kinabibilangan ng pambansang krung
krung na si Sandara Park na minsan ng naging isang sikat na artista sa Channel
2 ngunit siya ay nagpasyang ituloy ang kanyang karera sa industriya ng musika
sa bansang Korea. Dumami pa ang mga na humaling sa kpop. Kabi-kabila na ang
konsyerto ng mga kilalang Korean groups kabilang ang Super Junior (Super Show
1-5) na limang beses ng nag tanghal sa
ating bansa, ang Dream Kpop Fantasy Concert (DKFC 1) noong nakaraang taon kung
saan anim na grupo ang nag patili at nag paiyak sa kanilang mga tagahanga.
Hindi alintana ng mga umiidolo sa mga ito ang gastos sa sobrang mahal ng mga
ticket para lamang masilayan nila ang kanilang mga idolo kahit pa sa malayo
lamang.
Hindi
lang sa panunuod ng konsyerto natatapos ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa Kpop.
Bukod pa dito ang mga produktong kanilang binibili mula sa pinakamaliit na item
gaya ng singsing na may kinalaman sa kanilang mga idolo hanggang sa
pinakamalaki gaya ng isang life size standee ng kanyang 'bias'. Ilan pa sa mga
pinagkaka-gastusan ng isang kpop fan ay ang pamaypay na may imahen ng kanyang
'bias', ballers, earphones, notebooks, photocards, stickers, posters, mga
alahas, t-shirts, sapatos, bags at kung anu-ano pa.
At
hindi rin maiiwasan ang pagkabuo ng mga bagong salita gaya na lamang ng 'bias'
na tumutukoy sa paboritong miyembro ng isang fan sa loob ng isang grupo. 'OTP o One True Pair'
kung saan ipina-pares ng mga umiidolo ang kanilang bias sa isa sa mga kagrupo
nito. 'Byuntae' ito ay hindi na bago sapagkat ito ay isang salitang koreano na
ang katumbas na kahulugan sa ating bukabolaryo ay manyak o nakakamanyak depende
sa pag gamit nito.
Habang
mas nakikilala ang Korean wave o Hallyu, ay ganoon din naman ang nakukuhang
kritisismo ng mga tagahanga nito, wala itong eksepsyon, kahit sino. Marami ang
nagsasabing nakaka-apekto ang Kpop sa OPM o original pinoy music. Ito raw ay
nawawala dahil puro revival ang mga ginagawang kanta ng mga Pinoy at ang iba
naman ay dahil sa pagsikat ng mga banyagang kanta. Nangangamba ang ating mga
lokal na mang-aawit at mga kompositor na nasisira na ang OPM at hindi na ito
nabubuhay sa mga panahon ngayon. Nauso ang mga isinaling kanta dahil sa kawalan
ng pondo para sa ating mga composers. Hindi na rin maitatago ang kakulangan ng
promosyon ng mga OPM songs sa radyo o kaya naman sa TV.
Ayon
sa isang pinoy na itago natin sa alyas na immortalsoul123, "Para sa akin,
hindi pa namamatay ang OPM at hindi ito kailanman mamamatay. Habang mayroon
tayong pagmamahal at pagpapahalaga sa mga kantang sariling atin, at sa mga
Pilipinong mang-aawit na kilala sa ibang panig ng mundo, mayroon pa ring OPM.
Kaya nga lang, marami pa rin ang nagsasabing patay na nga ang OPM dahil sa mga
banyagang kanta, lalo na sa Kpop na nauso sa ating bansa sa mga panahong
nakalipas. Nakakalungkot mang sabihin ngunit ang ibang kapwa natin Pilipino ay
nagiging racist. May mga nagsulputang fanpages sa Facebook na mga nagiging
anti-Kpop, at mga fanpages na anti-OPM. Ang mas nakakalungkot isipin, mga
Pilipino ang gumagawa nito. Ang Kpop ay nariyan na bago pa lamang magsimulang
'mawala' ang OPM kung kaya naman wala itong kinalaman sa paghina ng musikang
Pilipino."
Iba't
iba man ang naging pagtanggap natin sa kpop, at korean wave o hallyu ito ay
talagang tumatak sa kasaysayan ng iba't-ibang bansa saan mang sulok ng mundo. Aminin
man natin o hindi, bukas palad nating tinanggap ang mga pagbabagong ito. Kailan
man ay hindi ito ipinilit sa atin ng sinumang tao, mapa-ordinaryo man o
maimpluwesiya. Kakaunti man sa umpisa ngunit di rin naglaon ay nahikayat din
ang iba na sumunod sa agos ng pagbabago sa bawat aspeto ng ating pamumuhay. Binago
nito ang mga nakagawian na natin, nagbigay ng inspirasyon at leksyon. Ngunit
ito nga ba ay permanente o panandalian lamang?
Korean Pop at Korean Wave o Hallyu
Nakabubuti nga ba o Nakasasama para
sa ating mga Pilipino?
Mga Pinagkunan ng Impormasyon
01. A Little Of Everything
Bakit nga ba nakaka-Hallyu?
janyx-mcmxci.tumblr.com/post/5997631669/bakit-nga-ba-nakaka-hallyu
02. Catching The Korean Wave
www.bworldonline.com/weekender/content.php?id=58793
03. Korean Pop: Ano nga ba?
immortalsoul123.wordpress.com/tag/korean-pop/
04. Studying the Pinoy's fascination
with Korean Telenovelas. pcij.org/blog/2006/05/13/studying-the-pinoys-fascination-with-korean-telenovelas
05. Pop Culture Formation Across East
Asia
Edited by: Doobo Shim
Ariel Heryanto
Ubonrat Siriyuvasak
Copyright: August 30, 2010 by ASEAN
University Network
Korean Association of Southeast Asian
Studies
No comments:
Post a Comment