Wednesday, 26 February 2014


Erbie Castro
BSE-TLE_1b

 ‘’RELIHIYON’’

Ang Kahalagahan ng Relihiyon
 Maraming nagsasabi na di na daw mahalaga ang relihiyon sa panahon na ito. Ang importante daw ay magkaroon ang tao ng “personal na pakikipag-relasyon” sa DIYOS. Dito nauso ung mga samahan na kung tawagin ay NONSECTARIAN. Samahan sila pero wala daw silang grupong kinabibilangan at kahit saang sekta o relihiyon daw ay pwede silang maki-join. “Di naman mahalaga ang relihiyon, kahit ano pwede basta sa DIYOS”  sabi pa nila. ,  Sa iba naman, kahit may kinabibilangang relihiyon, pag tinanong natin kung mahalaga ang relihiyon, ang sagot nila, “hindi siguro mahalaga, kasi lahat naman tayo mga anak ng Dios, so kahit saang relihiyon ka basta naglilingkod ka.” Tanong lamang po, kung hindi mahalaga sa kanila ang relihiyon, bakit naka-anib sila sa kanilang relihiyon? Ibig nating sabihin, bakit meron pa silang relihiyon kung hindi ito mahalaga? Mapapansin natin na maraming interpretasyon ang mga tao tungkol sa kahalagahan ng relihiyon. Mahalaga ba o hindi? Ang SEKTA ay kabilang o bahagi ng ISANG RELIHIYON.
Ito ang dahilan kung bakit bumangon ang salitang RELIHIYON, sapagkat noong araw pa ay nagpakaligaw na ang mga magulang natin sa mga kautusan ng Dios, hindi nila tinalima ang utos ng DIOS at ito ang naging dahilan upang sila ay MAHIWALAY SA DIOS. Ang mga KASAMAAN o KASALANAN ang naging DAHILAN upang ang ito ay nahayaang mangyari kaya kailangang manumbalik sa DIOS. Hindi naman pala masama ang kahulugan ng salitang RELIHIYON, manapa ang kahulugan nito ay ang MULING PAGLAPIT natin sa DIOS bunga ng pagkakahiwalay natin sa KANIYA dahil sa mga pagkakasalang ating nagawa.Dapat munang isipin ang mga bawat bagay na kanilang sinasabi sapagkat ang kahulugan po ng RELIHIYON ay ang TUNAY NA PAKIKIPAGRELASYON sa DIOS, ang salitang RELASYON ay pagkakaroon ng KAUGNAYAN at ang RELIGION ay MULING PAKIKIPAG-UGNAY. PAANO ANG TAMANG MULING PAKIKIPAG-UGNAY SA DIYOS? Kapag magkakasala ang ISRAEL sa DIOS noong araw, naghahandog sila ng HAYOP na susunugin sa DAMBANA ng DIOS at nagsasagawa sila ng PAGLILINGKOD upang mapatawad ang kanilang nagawang mga kasalanan.
Ang Relihiyon ay tumutukoy sa mundong walang kaugnayan sa relihiyon ng sumasamba sa Diyos o ang isang organisadong paraan upang sambahin ang Diyos, na may kinalaman sa doktrina at mga batas. Kung ang kahulugang ito ay kinabibilangan ng hindi paggawa ng masama ngunit mabuti sa kapwa, samakatwid ang pagkatanaw ng mga Mormon sa ibang relihiyon ay sumasang-ayon.Habang ang mga Mormon ay maaaring hindi sumang-ayon sa doktrina ng ibang mga simbahan, hindi sila naniniwala sa pakikipaglaban—un ay, pakikipagdiskusyon—tungkol sa relihiyon, dahil sila ay naniniwala na ang lahat ng mga batayan ng pagtatalo ay mula sa kasamaan. Sila ay laging nakahanda upang magbigay ng dahilan at pag-usapan ang mga ito, ngunit sila ay pinapayuhan ng mga pinununo ng simbahan na hindi umabot sa mainit na pakikipag debate.. “Walang relihiyong gawa ng tao na maaaring gumawa para sa sangkatauhan ng bagay na iyon na dapat ay maisatupad”, kaya ang mga Mormon ay hindi naniniwala sa ibang mga simbahan, subalit sa mabuting intensyon, na tumataglay ng kapangyarihan na kailangan para sa kaligtasan. “Walang ano mang kaligtasan sa maling relihiyon”.Ito ay isa sa ibinigay ng Diyos sa kanila, sa halip na sa isang tunay ng lider o mga kasapi. Ang mga umiimbistiga sa Simbahan na nakakarinig sa mga ito ay minsa’y manggagad at nilibang, ngunit karamihan sa kanila ay nadiskobre na ito ay totoo at sila ay humiling na sila ay mabinyagan. Gayon pa  man ang pagkakaroon ng relihiyong totoo ay hindi lamang nangangahulugan na sumama sa Simbahan. Ang mga totoong tagasunod ng relihiyon ay aktibong lumalahok at umuunlad. Kaya’t ang mga membro ng Simbahan na matamlay, walang kibo, walang sigla at hindi ganun ka-aktibo ay hindi nararapat sa kahulugan ng mga relihiyosong tao, ang mga taong karapat-dapat sa selestial na kaluwalhatian, ngunit ang mga tao, sa abot ng kanilang makakaya, na sundan si Kristo kung paano niya pinamumunuan at ginagabayan ang simbahan upang makamit nila ang gantimpala.  
Tulad ng pagpapagaling sa pamamagitan ng pagdarasal maari ring ilagay sa kaisipan ang tanong ni Hesus na "gusto mo bang umigi?" (Juan 5:6) kaugnay ng mga pagbabago ng katauhan; ibig sabihin nalalaman mo ba kung ano ang mga pagkukulang mo na kinakailangang baguhin kung ibig mong mapalapit sa Panginoon? Mapapansin ito sa mga simpleng bagay sa buhay na hindi laging may kinalaman sa relihiyon.Pagkaraan ng ilang panahon baka subukin niyang matamo ulit ang mga kakayahang nalimutan na. Ang lahat ng mga kakayahang natutuhan ng isang nilalang bilang batang lumalaki ay hindi niya lubos na malilimutan. Maaring ang pagkakaibang kababanggit lamang ang tinutukoy sa sinasabing "pagkain ng bunga ng Puno ng Kaalaman" sa kasaysayan ng paraiso; at tinutukoy rin ng sinasabi ni Hesus na "hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit." Malalim rin ang binabanggit na pagkakataon at kaalaman ng pagbabago – Mateo 18:1-3; Markos 10:15; Lukas 18:17. Ang "Taong-Diyos" o ang galing sa Diyos na taong si Hesukristo, ang "panibagong Adan" ay nagbibigay ng hudyat na maaring makamit muli ng mga tao ang kanilang mga kakayahang nalimutan na; at napapanahon na upang maiwasto ang mga maling pagkakaunawa na nagiging mapanganib sa sangkatauhan.
Ang mga magkakaiba at magkakasalungat na turo ng mga teolohiya na si Kristo ay isang tagapayong espiritual o kaya ay isang repormador ng lipunana lamang ay hindi na tinatanggap, nguni’t maaring silang makatulong. Maaring ialsa ng lahat ng tao ang kanilang mga kaisipan kay Hesus, maging ito man ay mangyari sa loob ng kanilang sariling mga silid, o kaya at sa gitna ng palengke.Isang palatandaan sa landas ang ay "pagmamahal sa Panginoon" na siyang pinakapuno ng lahat ng bagay, at ang pangalawa ay ang pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili (Mateo 19:19); kailangan rin ang pagmamahal sa sarili.Itong huli ay bahagi ng pagsisikap na makapaglingkod sa kapwa. Ang pagmamahal ay isang landas patungo kay Kristo sapagka’t ito’y likas sa kanya kasama ng karunungan. Pinapakita ng mga mabubuting gawa at ng mga bunga nito ang tunay na landas Kristiyano.Sa pamamagitan ng awa, lumalaki ang tumutubong pakiramdam sa isa’t-isa. Nakakaakit ito ng isang unibersal na kapangyarihang nakatutulong sa paglapit ulit kay Kristo o sa Panginoon. Iba-iba ang mga mararanasan dito; nguni’t malakas ang magiging bunga sa sarili. Maari nang ikalat sa mga simpleng tao sa panahong itong "ma-apoliptiko" ang mga naranasan noong araw ng mga "mistiko" at mga "santo". Dapat ring banggitin dito na baka sakaling hindi agad-agad na mapapansin ang kahalagahan nito. Tatanggapin itong kapangyarihang ito ng mga naturang tao, nguni’t baka makasakit sa kalooban ng mga hindi pa nakapaglilinang ng mga pamamaraang kinakailangan, kaya nga baka maramdaman bilang "hatol".
Marami pa sana akong sasabihin sa inyo pero hindi ninyo masasakyan ngayon. Ngunit pagdating niya, ang Espiritu ng katotohanan, ihahatid niya kayo sa buong katotohanan. Hindi siya mangungusap mula sa ganang sarili kundi ang naririnig niya ang ipangungunsap niya at ang mga bagay na darating ang ibabalita sa inyo.
             

No comments:

Post a Comment