Joyce Zamora
TLE - 1B
You
RICH , Me POOR
MAYAMAN
ka ! MAHIRAP ako!
SHIT
ka!! PUTA ako !!!
Friendship
is a happy thing.It makes us laugh.
It
makes us sad. It makes us cry.
It
makes us seek the reason why.
It
makes us give. Above all else it make us LIVE .
Ang masarap na feeling
pag may mga kaibigan ka , you don’t need to face the problem with yourself
.Sabi nga ng iba diba true friends ay nagdadamayan. Mayaman man yan o kinakapos
lagi . Karamihan nga mas Masaya pag kasama barkada nila , yung tipong mga bagay
na hindi mo magawa sa loob ng bahay niyo , dahil sa magagalit ang magulang mo ,
eh nagagawa mo na pag kasama sila . Mapa-masama man yan o hindi .
Change topic muna tayo
. siguro nagtataka ka , sino ba ko para basahin mo ang sinulat ko?.Estupidyante
din ako tulad mo. Ang Hindi ko lang masasabi eh kung nakakarelate o
makakarelate ka sa ikukwento ko .Bahala na nga!
Commuters ka rin siguro
gaya ko , nakasakay ka na rin siguro sa LRT at MRT . Madalas dun ako sumasakay
bago at pagkatapos ng klase ko. Sobrang sikip diba ? Kulang na nga lang
ma-Putang ina mu na!.
Bakit kaya hanggang sa
loob ng LRT at MRT may discrimination pa rin? Pag matangkad ka ayos ka! Pero
pag maliit ka tinatapak-tapakan ka na lang !.Pesteng buhay yan.
Naranasan mo na rin
sigurong pumunta sa party? Hindi yung niyaya ka ng mga dabarkads mo sa
kapit-bahay nyo tapos ang sabi “let’s do the parte-parte sa pambili”. (hahaha!)
what I really mean about party is yung may mamahaling alak, inumin ,pagkain
,magaganda at bonggang kasuotan. Yung tipong pag niyaya ka nila sa party na yan
, eh para ka na rin tumalon sa tulay dahil sa hindi ka makasunod sa lifestyle
at English nila ! Nosebleed nga diba.
Lahat tayo may
karanasan na kakaiba, pero wala tayong magawa kundi tanggapin na nangyari sa
atin yun. Pero ano mang katayuan natin sa buhay, lahat tayo may karapatan pa
rin, na piliin kung anu ang gusto nating mangyari sa buhay natin.
Ang hirap lang sa mga
Pilipino ngayon, mapagpanggap! Nag aastang mayaman. Kinakahiya ang pagiging
mahirap.
Pinagmamalaki ko na
mahirap ako, na nag aaral ako sa gobyernong kolehiyo. Pero hindi ibig sabihin
nun eh habang buhay na akong nakatali sa katayuan kong yun. Mas masarap maging
inspirasyon sa buhay na naging mahirap ka, nakaranas ka ng hirap bago ka
umunlad. Hindi tulad ng mag pinanganak ng mayaman pero bandang huli dun
nkaranas ng paghihirap.
Ang hirap kasi sa
punyemas na bansa natin, corrupt! Mahirap ! At unang una sa lahat mga
mandurugas. Kailan ba mawawala ang utang ng ating gobyerno? Para kasunod nun eh
umasenso ang mga taong mahirap na patuloy parin naghihirap sa lumulubhang
kalagayan natin ngayon.
Tumingin at magbasa ka
ng pinulot-pulot lang na dyaryo sa tabi-tabi. Puro corruption ang mababasa mo ,
krimen , kalamidad , mga away ng mga sosyal. Paano sa mga susunod pang mga taon
, susunod pang henerasyon? Pagkamulat nila sa mundong ito , papayag ba kayong
may utang na sila sa gobyerno ?
Kaya minsan nakakaawa
ang mga batang , bata pa lang nakaranas na ng hirap, pang aabuso dahil sa
katakot na takot na buhay dito sa mundo. Minsan naisip ko , bakit kaya sila
binigay ng ama ? kung maghihirap lang sila pag silang pa lang nila. Dahil sa
hirap ng buhay , walang makain . walang masilungan at matulugan na komportable.
Walang maayos na damit . Walang perang pampaaral sa kanila. Diba ? samantalang
ang iba nagpapakasasa sa pera ng iba! Naglulustay ng pera sa mga walang
kwentang bagay. Nakahiga sa malambot na kama . Kumakain sa mamahaling
restaurant.At nagbibingi-bingian sa pangagailangan ng iba.
Paano sa susunod na
taon? Paano pag may mga anak na rin tayo ? May maiiwan pa ba sa mga anak natin?
Mararanasan din ba nila ang naranaan natin ngayon ? Minsan, kahit masakit sa
atin na isipin,naisip pa rin natin, na kawawa ang mga susunod na henerasyon.
Sasabihin sa kanila sila ang pag-asa ng bayan. Isisisi ang mga bagay na nagawa
ng naunang kabataan. Ilalagay sa posisyong wala silang kamalay-malay.
Sana ang buhay natin
maging kagaya ulit ng dati. Walang gadgets, wala pang technology, no cellphones
, kasi kung kailan mas madali ng maki pag komunikasyon sa iba eh para mas
mahirap pa ngayon. Busy na ang mga tao sa mga social networks.
Sana yung patuloy parin
na umaasa ang iba na tama pa rin si Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”. Sabi kasi ng iba ang mga kabataan ang sakit sa lipunan natin ngayon.
Alam ko mahirap
tanggapin pero totoo. Naniniwala ako na mas masipag ang kabataan noon, sa
kabataan ngayon. Utusan ka nga lang ng nanay mo na mag hugas ng pinggan eh
hindi mo man lang mabitiwan ang hawak-hawak mong cellphone. Maistorbo ka nga
lang ng konti ikaw pa ang galit. Akalin mo yun? Dahil lang sa may katext ka ,
babastusin mo ang magulang mo. Diba , what a nice shit!
Alam mo may pagkakataon
pa naman tayo para magbago, eh yun lang kung ayaw mong magbago. Wala namang
pumipilit sayo . Buhay mo pa rin yan. Pero sa mga gustong magbago, Put God
First . Alam ko mahirap magbago. Kaya nga unahin mu muna si Kristo sa buhay mo
. when days comes hindi mo napapansin , iba ka napala, na marunong ka na palang
makisimpatsya sa nararanasan ng iba. Na mas masarap pala na paglingkuran ang
mga magulang mo habang buhay pa , hindi yung sinasayang mo ang oras mo sa mga
taong hindi naman alam talaga kung ano ang tunay na makakapag papasaya sayo.
Ang mga kaibigan na
meron ka ngayon , mawawala din yan. Subukang mong wag ilibre mga yan. Makikita
mo na lang iniisnab ka na lang. Ang mga hindi tunay na kaibigan ay parang
lifestyle din yan , kumukupas. Kungbaga sa damit, namamantsahan. Kumbaga sa
pitaka, nabubutas paminsan-minsan.
Sabi nga sa I LIKE YOU
JUST BECAUSE ni Albert J. Rimeth,No one can go through life without Friends.
Syempre in life mas Masaya nga naman na sa bawat hirap at sarap ng nararanasan
mo eh may matatawag kang kaibigan na dadamay sayo.
Siguro ang sarap isipin
kung magiging maayos lang ang takbo ng gobyerno natin ngayon. Ang mga mahihirap
, mararanaan makakain ng masasarap. Ang mga walang magulang na mga bata magiging
Masaya dahil hindi nila kailan na maging malungkot sa pagkawala ng magulang
nila dahil may mga taong kayang makapagpasaya sa kanila na higit pa sa kaya ng
mga tunay na magulang nila.
Alam mo na ba kung ano
pinupunto ko?
Ito lang naman ang
gusto ko , maging mabuti tayong miyembro ng lipunan. Wag na tayong dumagdag sa
problema ng lipunan. Maging mabuti tayong nilalang . Maging mabuting anak at
kaibigan.
Para gaano man kahirap
ang buhay ngayon atleast magiging Masaya pa rin tayo sa tulong ng mga taong
nagmamahal satin.
Ayahan mo na ang mga
kaibigan mong sa una lang magaling. Ipanalangin mo na lang na dumating yung
araw na mag sisisi sila na hinayaan nilang mawala ang isang kaibigan na dadamay
sa kanya sa hirap man o saya.
Reference
Carla Mae Caladiao –
New Era University
Archie Leona – BSME
student in Earist
John Mark Mercado- CIT
student in EARIST
No comments:
Post a Comment