Winilyn Lapasaran
TLE - 1B
LintiknaPag – ibig
Sa dinami rami ng bagay sa mundo, pag –
ibig ang siyang nagpapaikot dito. Pag – ibig na hindi mawawala sa buhay ng
tao, sa bawat Segundo ng ating buhay
patuloy na tumitibok ang ating mga puso na nagbibigay ng tuwa, sakit, pait, at
dusa. Walang kulay ang istorya natin kung walang mga emosyon. Ano nga ba ang
pag – ibig na siyang hinahangad na makamtam ng lahat? Pinapangarap at
tinatamasang maranasan ng ilan? Totoo nga bang ang pag – ibig ay nagpaparanas
ng walang katumbas na kaligayahan at walang humpay na sakit? At bakit maraming
tanong kapag inlove? At paulit – ulit na tinatanong kahit alam na ang
kasagutan. Kailangan pa bang paliwanag kahit maliwanag na ang lahat? Kailangang
“I - explain”ng bonggang bongga mula
umpisa hanggang huli, mula sa ibaba hanggang itaas? Sabinganila “Love is like a fantasy” na mayroong “magic” tapos may “sparkle” at lahat ng makikita mo wala sa realidad, gayang
sinasabing ilan na para raw silang lumulutang sa hangin. Anu yun, joke? Hindi
ba nila pwedeng I –identify ang pag – ibig sa realidad na paraan. Nakakabata
raw pag – inlove, yung tipong manonood kayo ng palabas sa “Walt Disney”. Pag – ibig nawawala ka na sa realidad ng mundo, yung
tipong nasa Pilipinas ka tapos mapupunta ka ng ibang bansa dahil nakapag –
asawang “foreigner”. Ay mali pala.
Isipin mong nasa disyerto ka at biglang umuulan ng niyebe o di kaya, kayo na
lang ang tao sa mundo. Hindi sa pagiging “bitter”
ang paglalarawan ko sa pag – ibig kundi dulot ito sa ating buhay.
“Love
is blinding, not everything you see is real and not everything you hear is
true.” Ito ang pambanat ni Papa Jack sa TLC (True Love Conversation) na talagang
tinamaan ako ng lintik na inspirasyon para lang matapos ko na ito. Bakit ba bulag
ang mga nagmamahal? Kahit anong pangit ng partner mo, kahit anung sama ng ugali
at inako lahat ang kasamaan, ultimo kadugyutan sinama na. Sasabihin nila na mahal
ka, tapos mahal mo na. “Don’t care what
they say” utang na loob. Kung iisipin natin hindi lang tayo ang tao sa mundo,
hindi tayo nag – iisa at hindi rin kayong dalawa lang. Walang “requirements” sa love, hindi kailangan ng
biodata, o ng “background”, walang pinipili
mapa – bata’t matanda, kaya nga sinasabihan ang henerasyon at inaabuso pero sa kaabusuhan
natin, marami ang nauso. Sa ibang dako ng aking pananaliksik sa pag – ibig,
napapaloob ang mainit na damdamin, pagmamahalan at malalim na pagtingin para sa
isa’t isa.Samu’t saring emosyon ang nararanasan; kaya pala pag nagbabasa ako ng
“pocket book” kung anu – anong paliwanag
mula sa pag –ibig at iba’tibang panlasa nito. Lumilingon lingon ka lang, marami
kang makikita, “getting – to – know” hanggang
sa magkaalaman ng password, ”love birds”
na akala mo sila ang tao (mamansin naman kayo), pinakagusto ko yung“break - up”, ang lupet kayang makakitang
nag – eeskandalo sa kalye, syempre tayong mga Pilipino tsismoso’t tsismosa kahit
na nagmamadali ka mapapahinto ka tapos titingnan mo kung anu yung nangyari. Ang
kulit ng tagpong “bitter stage” na nagsusulian
ng gamit, nag – iiyakan kala mo namatayan. Tapos doon sila sa harap ng maraming
tao. Isipin mo, binili mo yung napakamahal na “teddy bear” o “bracelet”
para iregalo tapos ibabalik din sayo, sirana.ang pagmamahal nagpapakita ng respeto,
nagbibigay ng kalayaan sa pagka responsable at totoo, lahat ng ito ay
nagpapaunlad sa isang samahan hindi lang sa dalawang taong nagmamahalan maging sa
pagkatao ng isat’ isa. Isa man mawala sa mga ito, tiyak na masisira ang pinagsamahan.
Marami tayong titiisin bilang kabayaran para makuha ang wagas na kaligayahan,
anomang pasakit at hapdi ng pag – ibig basta’t magpakumbaba ay pinagpala.
Nagpapakita ng konsiderasyon para sa katapatan ng isang tao at katangian nito,
mamahalin mo mula ulo hanggang paa, buong pagkatao.
“Love
is like a riding car without breaks, going to downhill.”You know you’ll get
take the wide.Huwag
matakot magmahal, huwag lang sobra o kulang. Dahilito ay masama. Magmahalng
walang dahilan, ito ang pinakamagandang bagay sa mundo. Hindi dahil sa pera, sa
kagandahan o sa katayuan. When we’re
inlove, we break the rules. Laging tatandan, ang
tunay na pag – ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili,
nagmamapuri at nagmamataas, hindimagaspangangpag – uugali, hindimakasarili,
hindimagagalitin o mapagtanimsakapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama
ngunit ikinagagalak ang katotohanan.Ang pag – ibig ay mapagbata, mapagtiwala,
punongpag – asa at nagtitiyaga hanggang wakas.
BIBLIYOGRAPIYA
-
Kayumanggi sa Filipino 4 – Leo Ross
Publication
-
He is for me? By: Didi Nakar Marañan
-
Magandang
balita: biblia
No comments:
Post a Comment