Michelle Coletraba
TLE - 1B
Ang Sukatan ng Ligaya
ni Liwayway Arceo
Maikling Kwento
ni Liwayway Arceo
Maikling Kwento
NAGMAMADALI
si Aling Isyang sa pagbibihis. Nangangamba siyang pumasok si Medy sa silid at makita
siyang nagbibihis. Natitiyak niyang hindi siya papayagan nito na makaalis. May
tatlong araw nang nagtatangka siyang makauwi sa nayon ngunit lagi siyang
pinangungunahan ng anak.
“Ang
Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .”
matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan
itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang
hinanakit sa tinig nito nang pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis.
Ngunit talagang hindi siya mawili sa tahanan nina Medy.
Noong
una ay idinadahilan niya ang init. Nang sumunod na bakasyong lumuwas siya ay
may isa nang silid sa bahay ni Medy na may sadyang pampalamig na ayon ditto ay
nakakabit sa koryente. Wala naman siyang makikitang umiikot na tulad sa
karaniwang nakikita niya sa kanilang nayon. Iyon ay isang parihabang kahon
lamang sa dingding. Ngunit hindi rin siya nasiyahan. Nasipon pa nga siya.
Gayunman ay iyon ang nagawa niyang dahilan upang makauwi sa nayon.
Hindi
niya maidahilan ang alikabok. Ang malaking bahay ng kanyang anak ay malayo sa
magulong lunsod. Nakatirik iyon sa gulod ay nakabukod. Sa pinakamalapit na
kapitbahay. Malawak ang bakurang alaga ng isang hardinero. May languyan sa
isang panig at may pinanggagalingan pa ng tubig na sumasaboy sa gitna ng
hardin. Ngunit sa tuwing maglalakad siya sa paligid ng bakuran, waring may
hinahanap siyang kung anong bagay na mawawaglit.
Naikuwento
niya iyon kay Mang Laryo nang magbalik siya sa nayon. “Alam mo, Oy.” simula
niya sa pagbabalita sa asawa, “Kahit na nga ano pa ang sabihin, iba ang singaw
ng lupa rito sa ‘tin. Saka. . . kung bakit doon kina Medy, gayong binili raw
nang napakamahal ang mga halalaman. . . parang hindi ako nagagandahan. Ayaw man
lang ipahipo ang mga dahon ng mga masetas, e!”
Napangiti
si Mang Laryo. “Ikaw naman, oo! Nagpapahalata ka naman ‘ata sa anak mo. Parang
napapaso ka sa kanilang bahay. Nasabi na nga sa ‘kin ‘yan minsan… patuloy ng
matanda.
“H-ha?”
“Aba,
oo! Sinabi ‘yan mismo ni Medy.”Ika sa kin. . . mas mahal mo raw si Idad kaysa
kanya. . . hindi raw pareho ang tingin mo sa kanila. . . “
Sa
dakong iyon ng kanyang gunita ay napatigil sa pagbibihis si Aling Isyang.
Waring may gumising sa kanya. Parang noon lamang sinasabi ni Mang Laryo ang
panunumbat ni Medy.
“Hindi
maaaring magkagano’n!” bulong ni Aling Isyang sa sarili. “Si Medy nga ang
malaki ang naitulong sa ‘min, palibhasa’y sinuwerte sa pag-aasawa.” Nakakaluwag
sa buhay ang naging asawa.”
“Ngunit
ang hindi mawari ni Aling Isyang ay kung bakit higit na nagiging matamis ang
iniaabot sa kanya ni Idad gayong maliliit na halaga lamang. Marahil ay dahil
alam niyang magsasaka ang kanyang manugang kay Idad. Dukha ring tulad nila ni
Mang Laryo. At kakaibang kislap sa mga mata ni Ida dang nasisinag niya sa
pagkakaloob niyon.
Ilang
katok sa pinto ang pumukaw sa pagdidili-dili ni Aling Isyang.
“Inang,
“ narinig niyang tawag ni Medy.
“Halika,
Anak. . . “tugon niya at mabilis na inabot ang alampay sa likod ng silya at
ibinalabal iyon.”Bahala na . . .”bulong niya.
Hindi
tumitingin si Aling Isyang sa dako ng pinto nang itulak ni Med yang dahon
niyon.
“Ay,
salamat. . . at nakabihis na kayo, Inang!” Masayang bati ni Medy at lumapit sa
kanya. Nakasungaw sa mga labi nito ang isang masayang ngiti.
Nagtaka
si Aling Isyang. Inaasahan niyang magpaparunggit na naman ni Medy at nakikita
siyang nakabihis ng panlakad at may balak na umuwi.
“Talagang
pagbibihisin ko kayo, Inang, e. . . aalis tayo! Habol ni Medy.
“S-sa’n
. . . sa’ n tayo pupunta?” Kunwa’y sabik na sabik niyang tanong.
“Talagang
sasabihin ko pa naman sa ‘yo na. . . uuwi na ‘ko. . . ngayon. . .”
Napalabi
si Medy, “Ku, heto na naman si Inang! Sumama nga muna kayo sa ‘ming pamamasyal
bago kayo umuwi. Magtatampo niyan si Eddie. . . Pag hindi kayo sumama.”
1
Napabuntunghininga
nang malalim si Aling Isyang. Hindi siya makatutol kapag ang sinasangkalan ni
Medy ay ang asawa nito. Nahihiya siyang biguin ang manugang. . . Iniiwasan
niyang may masabi ito.
“Baka
kung saan ‘yon, ha?” hindi pa rin napigilang tanong niya sa anak.
Napatawa
si Medy. “Ang Inang. . . sa’n ba naman namin kayo dadalhin? Magpapasyal llang
tayo at susubbukin daw ng manugang n’yo ang bagong kotse . . . at kakain tayo
sa labas. Do’n sa restawran sa tabing-dagat. Huwag n’yo na munang hahanapin
‘yong ilog do’n sa ‘tin!” biro pa ni Medy.
“E
sige . . .” patianod ni Aling Isyang. “Basta mamamayang hapon e payagan na n’yo
kong makauwi at kawawa namab ang Tatang n’yo. . ’’
“Kasi
naman, hindi pa sumama, e . . .’’ paninisi ni Medy.
“Alam
mo namang may pinagkakaabalahan sa bukid, e. Kung hindi ba dahil sa kumpleanyo
mo, luluwas pa ba ‘ko? Alam mo namang bagong-galing sa sakit si Idad. . .
’’ dugtong pa niya.
“Siya.
. . siya. . . oho!’’ Matamlay na tugon ni Medy. “Mukhang talagang hindi na kayo
mapipigil, e. . .”
Nang
lumabas si Aling Isyang sa silid ay nabungaran niya sa salas ang dalawang apong
babae na sinusundan-sundan ng mga yaya.
Ang
panganay ni Medy ay anim na taon, ngunit hindi pa mapag-isa. Laging kasunod ang
tagapag-alaga. Ni hindi ito makapagbihis nang mag-isa, di tulad ng kanyang apo
kay Idad, na bata sa murang gulang na iyon. Ang sumunod na may tatlong
taon ay napakalikot naman. Natitigil lang kung karga ng yaya.
Naupo
si Aling Isyang sa sopa upang hintayin sina Medy. Hinintay niyang lapitan siya
ng mga apo, ngunit waring hindi siya napapansin. Bigla niyang nagunita ang apat
na apo kay Idad. Marinig lamang ng mga iyon ang kanyang mga yabag ay
nag-uunahan na sa paglapt sa kanya at unahan din sa pagkapit sa kanyang saya.
At kung tulad ngayon na nakaupo siya, tiyak na mag-uunahan ang dalawa sa
kanyang kandungan at magtutulakan naman ang dalaw pang ibig makababa sa kanyang
baliikat.
Nang
lumabas si Medy buhat sa silid ay may bitbit itong sapatilyang puno ng
palamuting abaloryo.
“Ito
na’ng isuot n’yo, Inang. . . ’’ sabay lapag sa sahig, sa kanyang paanan.
“Naku
,’’ tutol niya, “e bakit pa? Tama na ‘tong aking kotso. . . luma nga, hindi
naman sira!’’ Hindi niya masabi kay Medy na nang una siyang magsuot niyon ay
nanakit ang kanyang mga paa.
“
Ku, kaya kayo ibinili ni Eddie ng bago e hindi na raw nakikitang isinusuot n’yo
‘yong unang binili namin. . . ’’sabi ni Medy.
“Kow.
. . e hindi ko lang naibalita sa ‘yo, ibinigay ko sa kapatid mo. Mas bagay sa
mga paa ni Idad, e . . . ’’ patuloy ni Alin Isyang.
“Kaya
nga! Hubarin n’yo na ‘yang kotso. Kahiya-hiya pag may nakakia sa ‘tin sa
pamamasyal.Pusturang-pustura kami. . . tapos. . .’’ at nauntol ang sinasabi ni
Medy.
“Mamaya,
maisip ng iba na sapatilya lang ay hindi naming kayo maibili. . .”
“Bakit
‘yon ang iisipin n’yo, e ako naman ang may gusto nito? Ngunit pinagbigyan na
rin niya si Medy.
Nanibago
si Aling Isyang nang tumayo siya. May kataasan ang taking ng sapatilya.At
matigas ang entrada. Hindi pa siya humahakbang ay waring nananakit na ang
kanyang talampakan.
Isa
pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya magtagal sa bahay ni Medy. Ang
gusto ni Medy ay lagi siyang susunod sa mga sinasabi nito upang
walang masabi ang iba. Sa kanyang pakiramdam naman ay iniipit ang kanyang
mga kilos at hindi siya Malaya. Gayunman ay ayaw na niyang maging alangan
ang kanyang anak sa pamantayan ng kanyang manugang, kaya’t sinisikap niyang makibagay.
Napansin
ni Aling Isyang na tuwang-tuwa si Eddie na makita nitong suot niya ang
sapatilya.”Ayan. . . sabi ko na’t bagay na bagay sa inyo ang kulay na
granate, e! Bumata kayo ng sampung taon!’ at inakbayan siya nito. “Tena kayo. .
.’’
Dahan-dahan
at buong-ingat ang ginawang pagbaba ni Aling Isyang sa hagdan.
“Masakit
ba sa paa, Inang?’’ usisa ni Medy nang mapunang mabagal ang kanyang mga
hakbang.
“Hindi
naman. . . ’’ pagkakaila niya. “Syempre. . . medyo lang ako naninibago at
mababa ang kotso. . .”
2
Wala
sa pamamasyal ang isip ni Aling Isyang. Nasa bukid, sa piling ni Mang Laryo, ni
Idad, at ng kanyang mga apo. Lalong naging masidhi ang kanyang pananabik sa mga
apongnaiwan nang makasakay siya sa kotse.
Katabi
niya ang dalawang tagapag-alaga ng kanyang mga apo sa upuan sa likuran. Kalong
ng mga iyon ang mga bata. Ni hindi niya mahipo kahit sa kamay ang kanyang mga
apo. Waring hindi siya nakikilala.
“Sinuswerte
kami sa huling transaksiyon, Inang. . .” pagbabalita ni Eddie sa kanya
samantalang namamasyal sila sa tabing-dagat.”Kaya pinalitan ko na ang lumang
kotse nang walang maireklamo ang anak n’yo. . .” pabiro pang dugtong.
“Maganda,
a!’’ tanging naisagot ni Aling Isyang.
“Dapat
naman, Inang!” katlo ni Medy.”Papasok na si Millet sa darating na pasukan. . .
sa laga e magpapahuli ‘yan sa ibang bata sa kolehiyo?” at binanggit nito kung
saang kolehiyo ng mga madre ipapasok ang apo.
“Para disi-otso
mil lang!”
Napakislot
si Aling Isyang sa pagkakaupo. Labingwalong libong piso! Kaya pala naman
saanman niya hagurin ng tingin ang sasakyan ay wala siyang maipintas. Wala
pa siyang nakikitang tulad niyon. Kahit ang alkalde ng kanilang bayan o ang
gobernador ng kanilang lalawigan ay hindi gayon kagara ang sinasakyang kotse.
Hindi
sinasadya ay napailing si Aling Isyang. Naisip niya kung paanong
ang kanyang dalawang anak na kapwa babae, kapwa maganda at pareho ang
inabot sa paaralan, ay nagkaroon ng magkaibayong kapalaran sa kabuhayan nang
magsipag-asawa.
Naisaloob
niyang marahil ay dahil magkaiba ang ugali ng dalawa. Palabati si Medy sa
kapwa. Madaling makipagkaibigan. Si Idad naman ay tahimik. Mahiyain. Ngunit
matay man pakiramdaman ay nasisiyahan sa buhay.
Natatandaan
pa ni Aling Isyang ang matinding galit niya nang malamang nakakilala ni Medy
ang isang batang-batang mangangalakal galing sa Maynila. Noon ay napadako sa
kanilang nayon si Eddie upang bilhin ang tubuhan ng dati ay tinitingal sa
kanilang bayan, si Don Alfonso. Hanggang nang hingin ni Eddie ang kamay ni Medy
ay hindi napapawi ang pag-aalinlangan sa kanyang dibdib.
“Hindi
na kayo kumibo, Inang. . ..” basag ni Medy sa katahimikan nang mapansing walang
kakibu-kibo ang ina.
“A.
. . e nawiwili ako. . . sa panonood. . .” pagkakaila ni Aling Isyang.
“
Nakita mo na, Ed. . . ’’ at bumaling si Medy sa asawa, “kung hindi natin
binili ito, ‘yon bang disi-otso mil e maaaring sakyan? Masisiyahan ba tayo nang
ganito?”
Saglit
na nakawala sa diwa ni Aling Isyang ang mga nagdaan nang marinig ang
masayang tawanan nina Medy at Eddie. At nakadama na rin siya ng kasiyaha.
Pinilit niyangmasiyahan.
Pumili
ng isang sariling hapag si Eddie sa restawrang pinasukan nila. Sa bungad pa
lamang ay marami ng binabating kakilala ang mag-asawa. Susunud-sunod naman si
Aling Isyang. Ingat na ingat siya sa paghakbang. Nananakit ang kanyang mga
paa sa suot na sapatilya. Ngunit sinarili niya iyon.
May
kapaitang sumasaisip ni Aling Isyang na kung naroon siya sa kanilang sariling
nayon, hindi niya kakailanganin ang magkunwari. Hindi niya kakailanganing
magsuot ng anumang hindi siya nagiginhawahan. Kilala niya ang lahat ng tao at
nakikilala rin siya. Hindi niya kailangan ang kumilos nang labag sa kanyang
kalooban, upang masiyahan lamang sina Medy. Nakadama siya nang bahagyang
kapayapaan ng loob nang makaupo na sila sa harap ng hapag-kainan.
“Baka
mahal dito?” hindi sinasadyang nasambit ni Aling Isyang.
“Si
Inang naman!” may hinampo sa tinig ni Medy. “Baka may makarinig sa inyo ay
kung ano ang isipin! Paparito ba tayo nang hindi kami gayak gumasta?
Nagsisi
si Aling Isyang kung bakit niya sinabi iyon. At lalo siyang nakadama ng
pagkapahiya nang masulyapang ngingiti-ngiti ang manugang.
Ayaw
magsiupo ang kanyang dalawang apo. Nawiwili sa kalalakad sa paligid ng
restawran. Susunud-sunod naman ang dalawang yaya. Ang nanghihinayang sa
ibinabayad ni Medy sa dalawang katulong na kabilang sa marahil ay anim o walo
pang utusan sa bahay. May labandera, May kusinera. May tagalinis ng bahay. May
tagawalis ng bakuran. May tagadilig. Hindi niya maubos-isipin kung bakit
si Idad ay nag-iisang gumagawa sa bahay ay apat ang inaalagaang anak.
“Ano
ang gusto n’yo, Inang?” tanong ni Eddie nang mapunang hindi siya kumikibo.
“Kayo
na ang bahala. . . lahat naman ay kinakain ko!” mahina niyang tugon. Sadyang
hindi niya alam kung ano ang maaari niyang hingin sa restawrang iyon. Alam niyang
wala roon ang paborito niyang pangat na malakapas at banak.
3
“Alam
ko ang paborito ni Inang!” masiglang sabi ni Medy. At humingi ito ng inihaw na
pampano, asadong alige ng alimango, halabos na sugpo, kilawing talangka at
tinolang manok, mga sariwang prutas, sabaw ng buko.
“Ang
mga bata,bakit hindi pa magsitungo rito?” biglang sabi ni Aling Isyang.
“Kabisado
‘yan ng mga nagsisilbi rito. Dadalhn na ang mga ‘yan kung saan gusto. Pihong
nasa hardin,” paliwanag ni Medy.
Hindi
makaramdam ng gutom si Aling Isyang. Nalula siya sa dami ng pagkaing nakahain.
At umukilkil sa kanyang isipan kung magkano aabutin ang lahat ng iyon, na sa
kanyang palagay ay hindi dapat gugulin. Pasulyap-sulyap siya sa ginagawang
pagkain ng mag-asawa at pilit niyang ginagaya. Ingat na ingat siya sa pagkain.
Naisip
niyang kung nasa sariling bahay siya, pasalampak siyang uupo sa sahig ng
dulang. Nadudukit niya ang lahat ng alige ng alimango pati sa talukap. Nakukuha
niya pati ang laman sa mga sipit at galamay.Pinaghahandaan niya iyon ng
sawsawang suka na may pinitpit na luya at tinimplahan ng asin at asukal.
Sa
sugpo ay wala siyang itinapon kundi balat. Kinukutkot pa ng kanyang mga kuko
ang taba sa talukap ng ulo. Sinisipsip niya pati ang mga hinlalangot at buntot.
Ibang-iba
ang ginagawang pagkain nina Medy. Maraming natatapon. Sa kanyang tingin ay
higit pang marami ang naiiwan sa pinggan.Hinayang na hinayang siya ngunit
sinasarili niya ang kanyang damdamin.
At
nakaramdam ng lungkot si Aling Isyang nang magunita ang mga naiwan sa nayon. Naalala
niya ang ginagawa niyang paghihimay ng alimango o alimasag para sa kanyang mga
apo. Gayundin ang ginagawa niyang pagsisilbi kay Mang Laryo.
Nagtataka
siya kung paanong sa loob ng walong taon lamang na inilagi ni Medy sa lunsod ay
hidi na niya mabakas ang nakamihasnan nito sa nayon. Waring limot na nito ang
pinag-ugatan. Waring kailanman ay hindi siya nagging bahagi ng kanilang nayon.
“O,”
basag ni Medy sa kanyang pag-iisip,” hindi ‘ata kayo kumakain, Inang,”
“Kumakain,”
mabilis niyang sagot.”Alam mo naman ako. . . mahinang kumain.”
IPINAHATID
ni Medy si Aling Isyang nang umuwi. Bago siya umuwi ay hindi niya nalimutang
hingiin muli kay Med yang kanyang kotso. Pinagtawanan siya nito at hinapit ang
balikat at dibdib nito. Pagkatapos ay binilinan siya nito na sa hulihang
upuan ng kotse siya maupo.
“
Hindi naman si Eddie ang magmamaneho, e. . . tsuper ‘yan sa opisina!” bulong sa
kanya.
Tumango lamang
siya. Nang maramdaman niyang umuusad na ang kotse ay hinubad niya ang sapatilya
at inihalili ang kanyang kotso. Sumandal siya sa pagkakaupo at naramdaman niya
ang ibayong pananabik na makauwi sa nayon.
Hindi
man lamang niya naisip nab aka magulat ang kanyang mga kanayon kapag nakita ang
sinasakyang bagung-bago at nangingintab na kotse, tulad ng sabi ni Medy
bago siya sumakay. Ang tanging nakikita niya sa kanyang balintataw ay ang pat
na anak ni Idad na naghihintay sa kanya, na nag-uunahan sa pagsalubong sa
kanya.
Malayo
pa man siya sa nayon ay waring nalalanghap na niya ang naiibang singaw ng lupa-
kaiba sa magarang bakuran nina Medy. Waring malayang-malaya na naman siyang
gumagalaw, hubad sa pagkukunwari at pakikibagay.
Napuno
ng kaligayahan ang puso ni Aling Isyang nang matanaw na niya ang makipot at
maalikabok na landas na bumubungad sa kanilang nayon. Waring abot-kamay na niya
ang kanilang tarangkahan.
No comments:
Post a Comment